Bumisita sa mansiyon ng boxing champ…

RUFFA, NAIMBIYERNA NA INIRERETO RAW ANG MGA ANAK SA MGA DYUNAKIS NI PACQUIAO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 24, 2020

Dahil sa nai-post sa social media na larawan ni Ruffa Gutierrez at mga anak na sina Venice at Lorin at inang si Annabelle Rama na kasama si Jinkee Pacquiao and family sa Forbes Park mansion ni Sen. Manny Pacquiao, may ilang bashers ang nag-comment nang hindi maganda tungkol dito.
May isang basher pa ang nagsabing inirereto raw ni Ruffa ang isa sa kanyang mga anak kay Michael Pacquiao.
Iba ang naging dating nito kay Ruffa kaya imbiyerna siya sa nasabing basher. Hindi porke super rich sina Sen. Manny at Jinkee ay irereto na raw niya ang kanyang anak kay Michael.
Ang alam ni Ruffa, may GF na ang binata na isang magandang Malaysian singer. Hindi naman niya ipinipilit ang sinuman sa kanyang mga anak kahit kaninong lalaki kung hindi type nina Lorin at Venice. Hindi maganda ang insinuation ng nasabing basher kaya tama lang na magalit si Ruffa.
Samantala, ang inaabangan ngayon ng lahat ay ang birthday gift ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang anak na si Michael na nag-celebrate ng kanyang 19th b-day recently. Una nang niregaluhan ni Sen. Pacquiao ng sports car worth P9 M ang panganay niyang si Jimuel. Tiyak na kotse rin ang ireregalo ni Pacman kay Michael na minana ang hilig ng ama sa pagkanta!
Well, maayos naman ang ginawang pagpapalaki nina Sen. Manny at Jinkee sa kanilang mga anak. Mababait at marerespeto ang mga ito. Walang pasaway at bratty.





Comments