Bumili ng butter para ipalaman sa pandesal
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 3, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Tondo.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nagising ako nang maaga, tapos may nakita akong pandesal sa mesa, pero walang palaman kaya bumili ako ng butter para ipalaman sa pandesal.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Cory
Sa iyo, Cory,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagising ka nang maaga at may nakita kang pandesal, pero walang palaman kaya bumili ka ng butter ay kaligayahan sa pag-ibig. Nagpapahiwatig din ito na ikaw ang magwawagi sa gusot na namamagitan sa inyo ng kaibigan mo.
Samantala, ang ibig sabihin ng ipinalaman mo ang butter sa pandesal ay liligaya ka sa piling ng iyong mga anak. Kung wala ka pang anak, nagpapahiwatig ito na isa sa miyembro ng pamilya mo ang magdudulot ng walang kapantay na kaligayahan sa inyong pamilya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments