Bumanggang MV Ocean Abundance sa Pier, walang iniwang oil spill
- BULGAR

- Aug 10, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 10, 2020

Rumampa ang isang cargo vessel kanina, sa pier ng Manila North Harbor Port, Inc., ayon ito sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa PCG, ang bumanggang barko ay MV Ocean Abundance, na pag-aari ng Oceanic Container Lines Inc. Nagwasak ng lima hanggang sampung metro ng Pier 2 ng naturang port ang barko.
Base sa inisyal na report ng PCG, nagkaroon ang MV Ocean Abundance ng engine problem kung saan ang reverse function ng sinasabing barko ay hindi umano umandar.
"The bow of the vessel and the pier was damaged. There is no trace of oil spill in the area," ayon sa report.
Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PCG tungkol sa insidente.





Comments