top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bumalik sa pagkabata at sinaktan ng kalaro

BULGAR
Sep 18, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 18, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosalinda ng Palawan.


Dear Maestra,


Kumusta na kayo r’yan? Nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan.


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko. Napanaginipan ko na nagbalik ako sa pagkabata. Naglalaro kami ng mga kaibigan ko nang bigla akong sinaktan ng isa sa mga kalaro ko. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Rosalinda



Sa iyo, Rosalinda,


Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo ay tagumpay sa negosyo, ibig sabihin, kikita ang negosyo mo at kailanman ay hindi ka malulugi. Ito rin ay nangangahulugan ng kaligayahan sa pag-ibig na hahantong sa masayang kasalan kung dalaga ka pa. Ngunit kung may asawa ka na, ito ay nagpapahiwatig na hindi ka kuntento sa kalagayan mo ngayon. Kumbaga, insecure ka pa rin sa buhay kahit wala namang gaanong mabigat na problema ang pag-aasawa mo.


Samantala, ‘yung sinaktan ka ng kalaro mo, kabaligtaran ang ipinahihiwatig nito dahil ang lahat ng plano mo sa kasalukuyan ay matutuloy. Magtatagumpay ka, hindi lamang sa larangan ng pag-ibig kundi maging sa negosyo at iba pang bagay. At kung sinuman ang magtatangkang pabagsakin ka, hindi sila magtatagumpay dahil matatalo mo sila at sa huli, ikaw ang magwawagi.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page