top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bumalik man o hindi sa dating kumpanya… Bebot, magtatagumpay at liligaya pa rin sa buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 25, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | May 25, 2023

Dear Maestro,


Gradweyt ako sa kursong Pharmacy. Umalis ako sa dating pinagtatrabahuhan ko at ngayon ay balak ko muling bumalik sa kanila. Ayon kasi sa boss ko dati, puwede pa raw akong bumalik, kaya lang kinakabahan ako na baka hindi na nila ako tanggapin.


Sa pagbabalik ko kasi ngayon ay i-a-approve pa ng company president kaya nag-aalinlangan ako.


Tungkol naman sa aking pag-ibig, nais ko malaman kung compatible ba kami ng kasalukuyan kong boyfriend na isinilang noong May 16, 1994 habang August 11, 1996 naman ang birthday ko.

Umaasa,

Irish ng Bukal, Nagcarlan, Laguna

Dear Irish,

Ayon sa birthday mong August 11, 1995, ikaw ay nagtataglay ng mystic number na 11, kung saan ang 11, at 22 ay tinatawag na mystic number at lahat ng naisin at binabalak mo sa buhay ay kusang mangyayari.


Dagdag dito, nagkataon ding ikaw ay nagtataglay ng destiny number na 8 (8 ang destiny number mo dahil ang August 11, 1996 ay kinukumpyut ng ganito, 8+11+1996=2015/ 20+15=35/ 3+5=8), ibig sabihin, ang numerong 8 ay very strong number taglay ang planetang Saturn, kaya anumang gustuhin mo ay tiyak na matutupad.


Bagama’t nag-aalinlangan ka sa sarili mong kakayahan at pagpapasya, gawin mo lang ang iyong nais, at tibayan ang iyong loob. Magugulat ka dahil simula sa edad mong 27 pataas, kusang papabor sa kagustuhan mo ang magaganap.


Kaya pakaingatan mo rin ang paghiling sa binabalak mo, dahil ‘pag masama ang iyong binalak, maaari mangyari rin ito sa iyo. Gayunman, ‘pag mabuti ang iyong hiniling, tiyak na ito ay matutupad at magkakatotoo.


Makabalik ka man o hindi sa kumpanyang sinasabi mo, basta’t abutin mo lang ang iyong pangarap, tinitiyak kong matutupad mo ito – sa bandang huli, sa napili mong larangan, magtatagumpay at magiging maligaya ka.


Hinggil naman sa iyong lablayp, ang zodiac sign mong Leo habang Taurus naman ang boyfriend mo. Ang Leo ay may ruling planet na fire, habang ang Taurus ay may ruling planet na earth o lupa, nagkataong sa birthdate ay tugma kayo, dahil ang birth date mong 11, ay sadyang compatible naman ng birthdate niyang 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7), nangangahulugang hindi kayo gaanong compatible sa Astrology pero swak kayo sa Numerology.


Ibig sabihin, hindi pa siya ang makakatuluyan mo. Ang tunay na compatible ng zodiac sign mong Leo ay ang kapwa mo fire type sign na Sagittarius, Aries at kapwa mo Leo, ganundin ang air type sign na Aquarius, Gemini at Libra, higit lalo ang may birthdate na 7, 16, 25, 8, 17, 26, 4, 13, 22 at 31 sa piling ng mga lalaking nabanggit, tiyak ang magaganap, kapag sila ang naging boyfriend mo, uunlad ang bubuuin niyong relasyon at habambuhay na kayong magiging maligaya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page