top of page

Bumaha na, nagpapatawa pa, sablay… DILG SEC. REMULLA: ‘DI KO NA MABABAGO ANG UGALI KO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 24, 2025



Photo: Jonvic Remulla - FB


Hindi lang ang sandamakmak na mga netizens ang naloka sa post ng Department of Interior and Local Government (DILG) kundi maging ang mga celebrities din na sina Jake Ejercito at Jessy Mendiola.


Sa kanilang Facebook (FB) page ay nag-anunsiyo ang DILG ng class suspension sa gitna ng pananalasa ng Habagat sa bansa. Ang hindi nagustuhan ng mga tao ay ang parang pabiro at informal way ng pag-aanunsiyo ni DILG Secretary Jonvic Remulla.


Ito ang viral na pahayag nila, “Mga Abangers, sarap nang bogchi (kain) ko. Sa kabusugan ay naka-idlip nang sandali. Oh, eto na inaabangan ninyo!” saad ni Remulla.


Kasunod nito ay ang listahan ng mga lugar na walang pasok. Dinumog agad ng reaksiyon ang post at halos lahat ay naimbiyerna sa anila’y insensitibong paraan ng announcement ni Sec. Remulla.


Kabilang nga sa mga na-bad trip ay sina Jessy at Jake.


“There’s a time and place for trying to be funny, this isn’t one of them,” saad ng aktor.

Komento naman ni Jessy, “Is this supposed to be funny?"


Sabi naman ng isang netizen, “Call me OA, but people are suffering, some are losing homes and loved ones. And yet, others act like everything’s perfectly fine, as if nothing’s happening. I hope we can be more mindful with our choice of words next time.”


Kahapon ay nagbigay na ng paliwanag si Sec. Remulla at humingi ng pasensiya subalit hindi na raw niya mababago ang kanyang ugali.


“Ang daming letga (galit). Pasens’ya na, pero hindi na ako magbabago ng ugali. Kung ang biro ko ay ‘di karapat-dapat para sa inyo, tandaan ninyong wala naman akong minura, minaliit, o hinamak. Wala rin akong binola o sinabing kasinungalingan. A little humor never hurt anyone,” pahayag ng kalihim sa DILG FB page.


“Please standby for class suspension announcements. I have the full data from DOST/PAGASA… in other words, ABANG lang kayo. (facepalm emoji & laughing emoji),” aniya pa.



Matapos ang kontrobersiyal na laban ng boxing legend na si Manny Pacquiao kay Mario Barrios last weekend, nagbahagi ng kanyang saloobin ang Pambansang Kamao sa kanyang Instagram (IG) page.


Sa kanyang first post after the fight nitong nakaraang Martes ay una niyang pinasalamatan ang Panginoon, gayundin ang kanyang pamilya at mga supporters.


“Thank you Lord for keeping us safe in the ring. I want to thank my wife, my kids, my family, and everyone who supported me throughout this fight,” simula niya.


Nagbigay din siya ng mensahe para sa kanyang nakalaban at tinawag niya itong ‘true warrior.’


“To Mario Barrios, you are a true warrior. It was an honor to share the ring with you,” aniya.

Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa pagkakaroon ng lakas na lumaban. As we all know, tinapos ng dalawang boxers ang 12 rounds na nagresulta sa majority draw.

“Even after all these years, I felt great there. I thank God for the strength and grace to still

compete at this level,” saad ni Manny.


Nagbigay siya ng mensahe sa kanyang mga fans sa buong mundo at sinabing bagama’t hindi ito ang resultang nais nila ay ginawa naman niya ang lahat ng kanyang makakaya at patuloy pa rin niya itong gagawin.


“To all my fans around the world, especially my fellow Filipinos, thank you for your love, prayers, and support. This may not have been the result we wanted, but I gave my best and I will always fight with heart, for God, for family, and for country. Mabuhay ang Pilipinas (Philippine flag emoji). 


“To God be all the glory (praying hands emoji),” pagtatapos ng boxing champ.

Proud kami sa ‘yo, Pacman!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page