Bumabaha ng Fake News sa Social Media, nakupo!
- BULGAR
- Nov 17, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | November 17, 2021
HINDI talaga kayang linisin ng Facebook ang sarili nilang website.
Ito ang dahilan kaya babaguhin na nila ang mismong pangalan!
◘◘◘
BINABAHA ang FB ng dispalinghadong impormasyon at nagagamit ito sa paninira ng reputasyon ng kapwa tao.
Bilang depensa, nagkakasya ang mga biktima na magsampa ng cyber libel laban sa mga suspek!
◘◘◘
DELIKADONG masabit sa kasong cyber libel at child abuse ang FB user na nagtatago sa pangalan “Boses Ng Bayan Sa QC”.
Kinasuhan sila ng isang kandidato sa ika-5 distrito ng Quezon City.
◘◘◘
SA 23 pahinang affidavit na inihain sa NBI, hiniling ni Rose Lin, na kilalanin ng ahensiya ang tao o grupong nasa likod nasabing page dahil sa malisyoso, mapanira sa kanyang pangalan at pang-aabuso sa murang edad ng mga anak nito.
Aniya, nilabag ng “Boses Ng Bayan Sa QC” ang Cybercrime Prevention Act of 2012 at ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
◘◘◘
NILINAW ng biktima na hindi “Allan Lim” ang pangalan ng kanyang kabiyak at hindi rin niya kailanman kilala kung sino ito.
“There is no documents or proof to show that Lin Wei Xiong and Allan Lim are one and the same. This is manufactured statement to blacken the reputation of my husband, and therefore, mine as well,” ayon kay Lin.
◘◘◘
“During the Senate Blue Ribbon Committee probe, I repeatedly clarified that my husband, Lin Wei Xiong, is not Allan Lim. This was taken into account and was noted during the hearing,” paliwanag ni Lin.
Nilinaw din na matagal nang na-clear ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanyang asawa sa anumang kasong isinampa rito kaya’t walang katotohanan ang paratang ng page na sangkot sa ilegal na droga ang kanyang kabiyak.
◘◘◘
MALINAW umano ang kasong libelo sa insidente.
Nilabag din umano ng page ang Child Abuse Law nang ilathala nito ang litrato ng kanyang dalawang anak sa Facebook post.
◘◘◘
BINIGYAN-DIIN ng biktima na: “It can be gleaned from the provision quoted above that Respondent has committed violation of RA No.7610 because he/she posted a picture of my children alongside his malicious post.”
“This content-writer subjected the innocent kids to a bad light which he himself made,” giit pa ni Lin.





Comments