Bulkang Mayon, nagbuga ng makapal na usok at abo
- BULGAR

- 49 minutes ago
- 1 min read
ng BRT @News | May 3, 2026

Photo: DOST-PAGASA
Makapal na usok at abo ang ibinuga ng Bulkang Mayon kahapon, alas-5 ng hapon, Mayo 2, matapos mabuo ang malaking lava collapse pyroclastic density current (PDC) o “uson” dulot ng Strombolian eruption, ayon sa PHIVOLCS.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone.
Pinapayuhan ang mga residente sa karatig-lugar na maging alerto at mag-ingat sa inaasahang ashfall.




Comments