top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Bulacan Airport Ecozone ni Imee, tablado kay P-BBM

  • BULGAR
  • Jul 4, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 4, 2022


HINDI BA ALAM NI PBBM NA ANG ATE IMEE NIYA ANG MAY PANUKALA NG 'BULACAN AIRPORT ECOZONE?'--Vineto o ni-reject ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang panukalang-batas na "Bulacan Airport Ecozone" dahil magdudulot ito ng fiscal risk at conflict sa ibang sangay ng pamahalaan.


Ang nag-sponsor ng "Bulacan Airport Zone" ay ang ate ni P-BBM na si Sen. Imee Marcos, kaya't ang tanong, alam kaya ng pangulo na ang kapatid niya ang nagpanukala nito sa Senado?


Kung hindi, eh, tiyak na malilintikan kay P-BBM ang sinumang nagpayo sa kanya na i-veto 'yan kasi hindi sinabi na ang may panukalang-batas pala ay ang kanyang ate, period!


◘◘◘


TOTOO BANG NAKAKOKELTA NG P76-B TAX ANG CUSTOMS O PRESS RELEASE LANG ITO?—Sinabi sa media ng mga taga-Customs na nakakolekta sila ng buwis na higit P76 bilyon sa buwan ng Hunyo at nalagpasan nila ang target collection nilang mahigit P56-B.

Kung totoo 'yan, aba'y good news, pero kung salat sa katotohanan at press release lang para hindi magsibak si P-BBM sa Customs ay bad 'yan, boom!


◘◘◘


KUNG HINDI PA INAKO NI P-BBM ANG PAGIGING SEC. NG AGRICULTURE, HINDI PA MAGSISIPAG ANG MGA TAGA-CUSTOMS NA MANGUMPISKA NG SMUGGLED AGRI PRODUCTS—Inanunsyo ng Customs operatives na nakakumpiska sila ng mahigit P30-M ng mga smuggled agriculture products sa Manila International Container Port (MICP).


Aba, kung hindi pa inako ni P-BBM na maging kalihim ng Department of Agriculture (DA), hindi pa magsisipag ang mga taga-Customs na mangumpiska ng mga smuggled agri products sa adwana.


◘◘◘


KAHIT PALA SI BAUTISTA NA ANG SEC. NG DOTr, YARI PA RIN ANG MGA TSUPER—Handa si newly appointed DOTr Sec. Jaime Bautista, na makinig at sundin ang mga ipapayo sa kanya ni former DOTr Sec. Art Tugade.


Nakupo, kung ganyan na ang lahat ng ipapayo ni Tugade ay susundin ni Bautista, yari na naman ang mga tsuper kasi pulos dusa at hirap ang inabot ng mga nasa sektor ng public transport sa istilo ng pamamahala nito sa DOTr, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page