top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

Bula, water gun at Dyesebel sa masayang TPSK Water Run

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 8, 2026



Bula, water gun at Dyesebel sa masayang TPSK Water Run

Photo: Naggigirian sa gitna sina Roger Pogoy ng Tropang 5G habang hawak ni Justin Brownlee ang bola sa Game 3 finals ng PBA Commissioners Cup. (Gen Villota)



Bubulaga ng maraming bula sa kakaibang Takbo Para Sa Kalikasan 2026 Water Run ngayong Hulyo 26 sa Quirino Grandstand. Ito ang pangalawa sa apat na karera ngayong taon na tunay na nagsusulong sa pag-alaga sa Inang Kalikasan hatid ng Green Media Events.


Ang tampok na kategorya ay 18, 10 at limang kilometro. Dahil Water Run ang pamagat, masusubukan ang kakayahan ng mga kalahok at pupunuin ang kalsada ng bula, may kani-kanyang water gun ang mga kalahok at makikita si dyesebel sa isang aquarium.  

Tulad ng mga obstacle sa unang yugto na Fire Run noong Mayo, hindi obligado na sumugod sa bula at papayagan na iwasan ito lalo na yung mga puntiryang magkamit ng kampeonato. Sisiguraduhin na ligtas ang paraan ng paglatag nito.


Matapos ang karera, maliban sa kinagawiang t-shirt, medalya at regalo galing sa sponsor, tatanggap ang lahat ng malaking tuwalya. Eksakto ito para mapunasan ang nabasang mga runners.


Bilang dagdag sa kasiyahan, hinihimok ang mga may gusto na magdamit na may temang tungkol sa pag-alaga ng katubigan at yaman-dagat. Sa nakalipas na mga taon, ang mga nalikom na pondo sa Water Run ay napunta sa mga proyekto na alagaan at paramihin ang mga pawikan kasabay ang pagtanim ng puno upang maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa.


Ginaganap na ang pagpapalista online at sa mga piling sangay ng Chris Sports. Maaari ring lumahok sa virtual race para sa mga hindi makakapunta sa araw ng karera kung saan matatamasa rin ang parehong mga gantimpala.


Ang iba pang yugto ay ang Air Run sa Setyembre 20 at Earth Run sa Nobyembre 15. Ang BULGAR ay nagbabalik bilang opisyal na media partner ng buong serye.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page