top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bukod sa karaoke room… BEA, MAY SARILING GYM AT SAUNA SA BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 5, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 5, 2020




Curious kami kung sino ang videographer ni Bea Alonzo sa kanyang house tour part 1 and 2 dahil hindi man lang niya pinasalamatan o wala sa credits.


Kaya namin ito nabanggit ay dahil nu’ng inanunsiyo ni Bea ang house tour niya ay unang nag-react ang umano’y karelasyon niyang si Dominic Roque ng “Can’t wait (emoji heart).”

Sa madaling salita, excited din si Dom sa house tour ng dalaga.


Samantala, kung mala-museum dahil puro art pieces ang laman ng first floor ng bahay ni Bea ay mala-penthouse suite sa isang 5-star hotel naman ang ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang malaki at organisadong kuwarto, walk-in closet, bathroom at guest room nito.


Pero bago pinapasok ni Bea ang YouTube subscribers niya sa mga nabanggit na kuwarto ay dinaanan muna ang hallway kung saan nakalagay ang family wall na naglalaman ng mga larawan nilang pamilya at painting ng lolo niya.


“This is the hallway of my second floor and also my family wall (nakalagay ang larawan ng buong pamilya kasama na ang kanyang fur baby). When I look at these pictures actually remind me of what is really important in life. I’m lucky to have a family who are very, very supportive, who are very loving especially my mom, she’s been my rock and sa lahat ng pinagdaanan ko, baka hindi ko na-survive if not for her. Thank you, Mama!” kuwento ng aktres.


Sumunod niyang ipinakita ang kuwarto na isa-isa niyang ikinuwento ang mga nilalaman nito na hindi na namin ikukuwento dahil mas magandang panoorin na lang sa kanyang YouTube channel.


Palaisipan lang sa amin ang napakagandang painting ng babae’t lalaki na nakasabit sa ulunan ng kama ni Bea. Sino kaya ang masuwerteng magke-claim soon na siya ang katabing matutulog ng aktres?


Masayang sabi ni Bea, “Isang babae lang ang nakahiga, but then, when it came to my house, may lalaki na, so tinanggap ko naman. Sabi ko, 'Sige.'”


Heto pa, may chandelier sa bathroom ni Bea.


Sabi nga niya, “This is my bathroom, I didn’t renovate at all and nothing fancy (natawa), nothing fancy pero (sabay turo ng chandelier na nakatapat sa bathtub), ha, ha, ha! Ano, Bea? This is my bathtub. I use it all the time.”


At isa pang agaw-pansin ay may sariling sauna ang aktres na katabi ng shower room niya sa gym sa ikatlong palapag kung saan naroon ang family room kung saan sila nagka-karaoke at nanonood ng pelikula.


“After gym, before shower, I use this sauna, I use it a lot these days because we have more time. It’s almost a bathroom with spa. That’s what I want to feel whenever I’m here,” saad niya.


Anyway, mas magandang panoorin na lang ang part 2 ng house tour ni Bea sa kanyang YT channel dahil tiyak na mas mag-eenjoy ang mga mata ninyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page