Bukod kay Bantag, sino pa ang isa?! Hirit ni Sec. Remulla, dalawa ang mastermind sa Lapid killing
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 9, 2022
HUBARAN NG MASKARA ANG ISA PANG MASTERMIND SA PERCY KILLING—Sinampahan na ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation ng kasong double murder sina suspended BuCor Director General Gerald Bantag, Senior Jail Officer 2 Ricardo Zulueta, gunman Joel Escario, siyam preso sa Bilibid, isang preso sa iwahig, isang preso sa Taguig BJMP at tatlo pang at-large kaugnay sa pagpatay kay Percival "Percy Lapid" Mabasa at detainee Cristito Villamor-Palana.
Bago sila sinampahan ng kaso, naunang sinabi ni Justice Sec. Crispin Remulla na dalawa ang mastermind at matapos sampahan ng kaso ang grupo ni Bantag, sa press conference ay sinabi ng Department of Justice secretary na 95% lutas na ang kaso.
Ibig sabihin, kaya 95% at hindi 100% ay dahil hindi pa nakikilala at nakakasuhan ang isa pang mastermind sa krimen, kaya't ang tanong ng publiko, sino kaya ang isa pang mastermind?
◘◘◘
SENATE PRES. ZUBIRI, AMINADONG PANGIT ANG IMAHE NG PHILIPPINE GOV'T.—Nanawagan si Senate President Migz Zubiri sa media na tulungan ang pamahalaan na maging maganda ang imahe ng Philippine gov't.
Kumbaga, aminado si Zubiri na hindi talaga maganda ang imahe ng gobyerno ng Pilipinas.
◘◘◘
DAPAT MAWALA NA ANG CONFIDENTIAL FUNDS AT PORK BARREL NA PAREHONG 'SOURCE OF CORRUPTION'—Sa totoo lang, mawala lang ang confidential funds at pork barrel, sa palagay natin ay kahit walang tulong ang media ay gaganda ang imahe ng Philippine gov't.
Dapat law enforcement agency lang ang may confidential funds, samantalang ang pork barrel naman ay alam naman natin na ini-scam lang 'yan.
Ibig sabihin, wakasan na ang confidential funds at pork barrel dahil source of corruption lang 'yan.
◘◘◘
GEN. DIMAS AT COL. CUNANAN, 'NGANGA' SA RAKET NA STL-CON JUETENG NI 'KA GLENN' SA ALBAY—Wala pa rin aksyon sina PNP-Region 5 Director, Brig. Gen. Rudolfh Dimas at Albay PNP Director, Col. Fernando Cunanan laban sa raket na STL-con jueteng ni "Ka Glenn" sa Albay.
Kung ganyan din naman, dapat sibakin na sila ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin at palitan ng mga police officers na kayang bumangga sa gambling lord.





Comments