ni Beth Gelena @Bulgary | September 5, 2024
Sa kanyang Instagram (IG) Stories, itinuro ni Chef Erwan Heussaff ang pagluluto ng Chicken Cordon Bleu.
Aniya, “Chicken Cordon Bleu is always a fun dish to make, especially if you are getting tired of your chicken breast recipes.”
May netizen na nakapansin na hindi suot ni Erwan ang wedding ring nila ni Anne Curtis habang nagluluto.
Komento nito sa comment section, “He is no longer wearing the wedding ring.”
Agad namang sinagot ng chef ang komento, “LOL (laugh out loud), you shouldn’t believe news from random accounts on Facebook (FB)" at may kasamang smiley emoji ang kanyang sagot.
Ipinagtanggol naman ng ibang netizen si Erwan.
Ani ng isang netizen, “Gumagawa ka ng issue.”
Sagot ng netizen, “Sorry po, nasanay lang siguro ako na sa all videos mo, you always wear it.”
Ipinapa-delete naman ng isang commenter ang komento, “OA at Marites at its best. Time to delete your nonsense comment.”
Sey pa ng ibang netizens:
“Issue si ate, 'kaloka.”
“'Kaloka, 'teh. Nilamon na ng fake news ‘yang utak mo.”
“Mahal ni Erwan ang family n’ya. Marites ka po masyado.”
Parang may ibig namang sabihin ang komentong ito, “Mas gusto kong I’m wrong kaysa tama, their rumored divorce. I like the family, but the way the couple and relatives handle the issue, parang totoo, compared before na nagkaka-issue sila.
“Again, I hope talaga na fake news lang at mali ako. But if it’s true, sana mag-second thought pa sila, try to reach out sa mga taong malapit sa kanila for opinions, see marriage and spiritual counselor, wala namang mawawala, try nila for the sake of their daughter.
“But ‘pag wala na talaga, nakakalungkot, nakahihinayang, hirap tanggapin. Maybe God has other plans for them. God bless the family!”
Just asking, kelan naman kaya magsasalita si Anne sa isyung hiwalayan nila ni Erwan?
SA uploaded video ni Sheena Halili kung saan sinasabayan niya ang kanta ni Regine Velasquez habang kalong ang baby na si Jio, tila naman pinatitigil siya ng panganay niyang si Martina.
Nagkukulitan kasi ang mag-ina dahil gustong takpan ni bagets ang bibig ng ina, naiingayan siguro kasi natutulog si bunso.
Nagbiro ang Kapuso actress sa caption, na nakatukoy kay Asia’s Songbird, “May newborn na, may toddler pa! Wala pong nasaktan sa video. No copyright infringement intended.
“Ninang @reginevalcasid, baka gusto n’yo muna po hiramin isa sa anak ko, joke lang!”
Si Halili ay ikinasal sa isang lawyer na si Jeron Uy Manzanero noong February 23, 2020.
BAGO umalis si Kyline Alcantara patungong New York (NY), sumalang muna siya sa programa ni Kuya Boy Abunda, ang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Natanong ng King of Talk ang viral video ng Kapuso actress kung saan nakakandong siya sa rumored boyfriend na si Kobe Paras.
Paliwanag ni Kyline, kuha raw iyon sa isang event ng friend niya na naging friend na rin ni Kobe.
Aniya, “Tito Boy, pinapakanta po kasi s’ya. Eh, first time raw po n’ya dahil hindi s’ya marunong kumanta.”
Inamin niyang nakakandong nga raw siya kay Kobe habang tinuturuan niyang kumanta ito at wala naman daw siyang nakikitang malisya roon.
Dagdag pa niya, “Saka nandu’n po ang parents ko, Tito Boy.”
Sa Fast Talk naman ni Kyline, narito ang mga sagot niya sa mga mabilisang tanong…
Boy: “Long hair or short hair?”
Kyline: “Long hair.”
Boy: “Kayo na ba ni Kobe?”
Kyline: “Kuya Boy, sorry po, hindi ko po masasagot ang tanong.”
Pero nagbigay naman ng hint ang dalaga. Tanong niya, “Halimbawa po, Tito Boy, agree po ba kayo?"
Luh! Ang daming kiyeme, ha?!
Commentaires