Buking! Alam na this!... DIMPLES, AGREE NA SUPER-SUWERTE SI COCO KAY JULIA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 27, 2021

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang pagsang-ayon ni Dimples Romana sa komento ng isang netizen na masuwerte si Coco Martin kay Julia Montes.
Sa vlog ni Dimples recently, nagtsikahan sila ni Julia. May isang follower ni Dimples ang nagkomento ng “Suwerte ni Coco.”
Ni-like ito ni Dimples at nilagyan pa ng heart emoji na kumbaga ay agree siya sa komento ng netizen.
Kaya naman, lalong lumakas ang paniniwala ng mga netizens na may relasyon talaga sina Julia at Coco at ayaw lang nilang aminin. At dahil nga ni-like ni Dimples ang comment, naniniwala silang may alam ito sa namamagitan kina Coco at Julia.





Comments