top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Budget sa gamot, irekta na sa mga ospital at center kesa masayang lang sa DOH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 12, 2023


WALA NAMANG MANDATO SA LAW ENFORCEMENT AT NATIONAL SECURITY -- Nasa 25 ahensya ng gobyerno ang humihingi sa Senado at Kamara ng mga confidential funds kahit na wala namang kinalaman sa law enforcement at national security ang kanilang mga tanggapan.


Sana, kapag nasa Malacañang na ang mga nilalaman ng 2024 national budget for signature ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay i-veto o i-reject ng presidente ang mga confidential funds sa mga ahenya ng pamahalaan na walang mandato sa law enforcement at national security, kasi baka kurakutin, ibulsa lang ‘yan ng mga corrupt officials, kasi nga hindi na inu-audit ‘yan ng Commission on Audit (COA) dahil walang kaakibat na resibo ‘yan kung saan ginasta o napunta, period!


◘◘◘


CONFI FUNDS NG MGA TRAPO MAS MALAKI PA SA CONFI FUND NG NICA -- Ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng Pilipinas ay kahalintulad ng Central Intelligence Agency (CIA) ng United States of America (USA), at iba pang intelligence agency ng ibang bansa kaya’t dapat ay malaking confidential fund ang ibinibigay d’yan ng Kongreso.


Sa kabila na ang mandato ng NICA ay may kinalaman sa law enforcement at national security ng Pilipinas, eh P341 million lang ang inilaang budget d’yan, mas malaki pa ‘yung confidential funds na ibinigay sa mga tanggapan ng mga trapo (traditional politicians), buset!


◘◘◘


BUDGET SA GAMOT, ALISIN SA DOH AT DIREKTANG IBIGAY ITO SA MGA PUBLIC HOSPITALS AT MGA BGY. HEALTH CENTERS -- Dapat bawasan ang budget ng Dept. of Health (DOH) at ang malaking budget para sa kalusugan ng mamamayan, tulad ng mga gamot ay direktang ibigay na ng Kongreso sa mga public hospitals at sa mga barangay health centers para hindi nasasayang ang pera ng bayan at napapakinabangan ng mamamayang may sakit ang mga gamot.


Hindi kasi katanggap-tanggap ang ibinulgar ng COA, na ang P7.4 billion na halaga ng gamot na inimbak lang sa bodega ng DOH ay nasayang. Hindi na mapapakinabangan dahil nga nag-expired na, tsk!


◘◘◘


MASYADONG MALAKI NA ANG UTANG NG ‘PINAS KAYA’T ‘WAG NANG UMASANG BABABA PA PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN -- Sa laki ng utang ng Pilipinas, huwag nang umasa ang mamamayan na darating ang panahon na bababa rin ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


Malaki kasi ang iniwang utang sa bansa ni ex-P-Duterte, higit P12.79 trillion, tapos utang pa nang utang si P-BBM kaya sa ngayon ay higit P14.10 trillion na ang utang ng ‘Pinas.


Obligado ang ‘Pinas na magbayad ng installment sa utang ng bansa kasi kung hindi magbabayad ay baka wala nang magpautang sa yearly national budget ng Philippine gov’t. at kapag nangyari ‘yan, bangkarote ang aabutin ng pamahalaan at ang tatamaan d’yan ay ang buong sambayanang Pinoy.


Kaya’t sa paraan na taasan ang presyo ng mga bilihin at bayarin, makakalikom ng malaking tax ang pamahalaan para sa pamamagitan ng installment, makakapagbayad ng utang.


Ulitin natin, huwag nang umasa ang mamamayan na darating ang panahon na bababa rin ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa ‘Pinas, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page