Search
  • BULGAR

Buddy System, iminungkahi sa IATF at DOH para sa wrestling

ni Gerard Arce - @Sports | June 29, 2020




Imumungkahi ni Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at Department of Health (DOH) na magkaroon ng “Buddy System” ang kanilang koponan upang maipagpatuloy at maisagawa ang kanilang pagsasanay.


Simula ng ipatupad ang pagbabawal sa mga contact sports na magsagawa ng pagsasanay upang mapanatili ang social distancing, ilang mga koponan at indibiduwal ang hindi makapag-ensayo kasama ang kanilang mga kapwa atleta, lalo na ang mga martial arts event, dahil masyado itong mapanganib sa bawat isa.


Dahil sa nararanasang mga paghihigpit ng bansa at pagpapatigil ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga pagsasanay ng aktuwal at pisikal, gayundin ang mga torneo hanggang Disymbre sa lahat ng national sports association (NSAs) bunsod ng nararanasang pandemya, marami ang nahihirapang maipagpatuloy ang kani-kanilang mga ensayo at paghahanda, partikular na ang mga Team at Martial Arts Sports.


Normally, some sports require a lot of physical contacts, most specially in our field [martial arts]. I’ll understand that in other sports like ball games, they will have contacts but eventually separated from each other, but in our side, I think we’re more different from them, we’re literally fighting hand-to-hand at dikitan talaga, sobrang close, so we are proposing something else that can make us continue our kind of training and will not disrupt their preparations in the way of Buddy System,” pahayag ni Aguilar sa panayam ng Bulgar sa telepono.


Ang Buddy System ay isang pamamaraan kung saan ang dalawang indibidwal ay magtutulungan sa pamamagitan ng isang yunit. Noong 1942 ay naisagawa ang ganitong sistema para gawin ang isang tungkulin na sinisigurong magtutulungan ang isa’t isa at upang masiguro ang kaligtasan ng isa’t isa sa isang mapanganib na sitwasyon, tulad ng nararanasan ngayon ng buong mundo na pananalasa ng coronavirus disease (Covid-19).

Pitong NSAs ang nauna ng nagpahayag ng pagpaplanong magpadala ng liham sa IATF-EID upang kumbinsihin itong maipatuloy ang pag-eensayo sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) – ngayon, tila isa pang NSA ang magtatangkang suyuin ang task force upang makapaghanda para sa pandaigdigang kumpetisyon.


We will try to train as hard as we can, considering the health and safety of each other. We will follow the guidelines and protocols, we’ll do testing,” wika ng 46-anyos na Bacolod-native. “Isa lang naman ang magiging partner ng bawat isa, and we’ll follow strict social distancing, kung pwedeng 10 lang ang magtraining, why not, basta di pwedeng dikit-dikit. Basically, pati mga gamit, magkakahiwalay, even yung magpartner lang ang sabay maligo gagawin natin,” dagdag nito.


As of now, we’re still training and coordinate with other countries like the Singapore, Thailand and Malaysia para makasabay kami sa pag-eensayo. We’re having Zoom classes in order to sustain their training routines,” saad ng founder at head ng Universal Reality Combat Championships (URCC).

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.