top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

BuCor, nagtayo ng pader sa kalsada, hinarang ni Mayor Fresnedi

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2021
2 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 21, 2021




Tinutulan ng mga residente at lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang itinayong pader ng Bureau of Corrections (BuCor) malapit sa Insular Prison Road noong Sabado.


Ang naturang pader na gawa sa hollow blocks at semento ay itinayo ng BuCor sa access road ng Southville 3 papuntang Barangay Poblacion proper kaya malaking abala ang idinulot sa mga residente.


Sa official Facebook page ni Muntinlupa City Mayor Jimmy Fresnedi, aniya ay nagulat din sila nang mabalitaang nagtayo ng pader ang BuCor sa naturang lugar at wala umano itong koordinasyon sa lokal na pamahalaan.


Aniya, “Kaninang umaga ay ikinagulat natin ang balitang nagtayo ng pader ang Bureau of Corrections (BuCor) para harangan ang access road ng Southville 3 papuntang Bgy. Poblacion proper.


“Mariin nating tinututulan ito dahil una, wala pong nangyaring koordinasyon sa pamahalaang lungsod ukol sa pagtatayo ng pader.


“Hindi po ito ipinaalam sa ating tanggapan, at hindi rin nabigyan ng sapat na impormasyon ang mga residente.” Aniya ay nagpadala ng notice ang BuCor sa Barangay Poblacion nu’ng March 19 ngunit saad ni Fresnedi, “Walang nabanggit tungkol sa pagtatayo ng permanenteng istruktura.


“Sa katunayan, nakiusap pa ang Bgy. Poblacion na kung maaari ay payagan ang ‘Hatid Serbisyo’ sa mga nagtatrabahong kailangang dumaan sa access road.”


Iginiit din ni Fresnedi na abala ang dulot nito sa mga residente lalo na sa transportasyon dahil kakailanganin nilang umikot sa ibang kalsada. Saad pa ni Fresnedi, “Mas nalalagay din sa panganib ng COVID-19 ang mga tao.


“Nauunawaan kong kailangang maghigpit sa health protocols, pero pakiusap natin sa BuCor na unawain din ang ating mga kababayan.”


Ayon din kay Fresnedi ay sumulat na sila sa pamunuan ng BuCor hinggil sa insidente at magpapasa na rin umano ng resolusyon ang pamunuan ng Barangay Poblacion at Sangguniang Panlungsod para kondenahin ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page