Brownout, sakto sa eleksyon???
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 10, 2022
KAPAG NAGKAGULO SA ELEKSYON, BAKA MAGDEKLARA NG FAILURE OF ELECTION – Nagbabala si P-Duterte sa mga supporters ng mga kandidato sa pagka-presidente na huwag gagawa ng gulo dahil ipapahuli raw niya lahat ng mga manggugulo.
Sana, walang gulo, kasi kapag nagkaroon ng gulo, ay may kapangyarihan si P-Duterte at Comelec na magdeklara ng failure of election, at kapag nangyari ‘yan, lahat ng mga nakaupo sa posisyon ay mananatili sa puwesto, mai-extend sa power, period!
◘◘◘
KUNG KAILAN IDINADAOS ANG HALALAN SAKA NAGKA-BROWNOUT – Napakaraming lugar ang nakaranas ng brownout kahapon kung kailan idinadaos ang eleksyon.
Mukhang may hindi kaaya-ayang mangyayari ah, kasi mantakin n’yo, ang tagal na panahon na walang brownout, at kung kelan ang araw ng pagboto ng mga botante, saka nangyari na maraming lugar ang nakaranas ng brownout, buset!
◘◘◘
SIGURO, PANALANGIN NI DE LIMA ARAW-ARAW ELEKSYON PARA LAGI SIYANG NAKAKALABAS NG KULUNGAN – Pinayagan ng korte na makalabas ng kulungan si detenidong Sen. Leila de Lima para makaboto sa polling center sa Parañaque City.
Siguro, panalangin ni De Lima araw-araw eleksyon para lagi siyang nakakalabas ng kulungan, joke, joke, joke!
◘◘◘
MARAMING HINDI NANINIWALA SA PALUSOT NI ROQUE NA HINDI RAW SIYA SUMINGIT SA PILA NG BOTOHAN – Nabatikos si senatorial candidate, former presidential spokesman Harry Roque dahil sumingit daw ito para makaboto agad, gayunman itinanggi niya ito at ang kanyang palusot ay totoo daw nagpunta siya sa polling center at nang makitang mahaba ang pila, umalis daw siya at babalik na lang daw.
Ang problema ni Roque, marami ang hindi naniniwala sa kanyang palusot, dahil minsan na rin niya itong ginawa nang magka-COVID-19 siya noon, na kahit mahaba ang pila ng mga pasyenteng nagka-virus ay sumingit din siya, in-admit agad sa PGH (Philippine General Hospital), boom!





Comments