top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Brogdon, Gordon, Antetokounmpo at Rivers, rumagasa sa big games

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2021
  • 2 min read

Updated: Jan 9, 2021

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 6, 2021





Nag-iisa muli ang Philadelphia 76ers sa tuktok ng NBA standings nang maitala ang ika-4 na sunod na panalo laban sa bisitang Charlotte Hornets, 118-101, kahapon sa Wells Fargo Center. Umabot ng 27 ang lamang ng 76ers sa huling 5 minuto, 107-80, at umakyat sa kartadang 6-1 panalo-talo.


Nagpasabog ng 22 puntos ang bagong hirang na Eastern Conference Player of the Week Tobias Harris at may double-double si Joel Embiid na 14 puntos. Ibinaon ni Malcolm Brogdon ang 2 puntos na may 3.6 segundo sa overtime upang ihatid sa Indiana Pacers ang makapigil-hiningang panalo sa New Orleans Pelicans, 118-116. Nagtapos si Brogdon na may 21 puntos habang namuno sa Pacers si Victor Oladipo na may 25 puntos, lima ginawa sa overtime.


Bumalik sa aksyon si Luka Doncic at tinulungan ang Dallas Mavericks na biguin ang Houston Rockets, 113-100. Nagtala ng triple double ang tubong Slovenia na 33 puntos at malaking ambag ang 30 puntos ni Tim Hardaway Jr.


Nanalo rin ang Orlando Magic sa Cleveland Cavaliers, 103-83, upang manatiling malapit sa 76ers sa kartadang 5-2. Nanguna para sa Magic sina Aaron Gordon na may 24 puntos at si Nikola Vucevic ay may 23 puntos. Nagwagi ang Milwaukee Bucks sa Detroit Pistons, 125-115, para sa ikalawang sunod. Bumuhos ng 43 puntos at 9 na rebound si MVP Giannis Antetokounmpo at sinundan ni Khris Middleton na may 19 puntos.


Dalawang sunod din na tagumpay ang natamasa ng Boston Celtics matapos talunin ang Toronto Raptors, 126-114. Hindi nagpahuli si Jayson Tatum sa 40 puntos at nagdagdag ng 23 puntos at 8 assist ang rookie na si Payton Pritchard.


Kinailangan ng New York Knicks ang tres ni Austin Rivers at buslo ni Julius Randle para lumamang, 112-106, at kumapit sa huling 46 segundo upang manaig sa Atlanta Hawks, 113-108. Nabitin ng isang assist para sa triple double si Randle na may 28 puntos, habang nag-ambag ng 26 puntos si RJ Barrett.


Bumalik muli sa hilera ng mga panalo ang Miami Heat kontra sa Oklahoma City Thunder, 118-90. Namuno sa Thunder sina Shai Gilgeous-Alexander na may 18 puntos at Darius Bazley na may 16 puntos. Samantala, isang araw matapos magpaulan ng 62 puntos, gumawa si Stephen Curry ng 30 puntos lang ngunit ito ay naging sapat para talunin ng Golden State Warriors ang Sacramento Kings, 137-106. Sinundan si Curry nina Kelly Oubre Jr. na may 18 puntos at Andrew Wiggins na may 16 puntos sa balansiyadong atake para sa ika-4 na panalo sa 7 laro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page