Breadwinner pa naman daw… RABIYA, UMAMING NAWALAN NG TRABAHO NANG SUMALI SA MISS UNIVERSE PHILS.
- BULGAR

- Nov 13, 2020
- 1 min read
Julie Bonifacio - @Winner | November 12, 2020

Ibinahagi ng kauna-unahang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo sa Magandang Buhay ng ABS-CBN last Wednesday ang kanyang sentiments sa kabila ng tagumpay na nakamtan niya.
Ang dami raw kasing nang-bash sa kanya when she finally bagged the crown.
Mabuti na lang daw at nandiyan ang mga Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Gloria Diaz na nag-encourage at nagpayo sa kanya na 'wag pansinin ang kanyang mga bashers.
Kuwento pa ni Rabiya kina Momshies Jolina Magdangal, Karla Estrada and Melai Cantiveros, natuwa siya nu'ng sabihan ni Gloria na kamukha niya ang unica hija nitong si Isabelle Daza.
In-announce rin ni Rabiya sa Magandang Buhay na ang Miss Universe-Philippines na raw ang national beauty pageant na sasalihan niya.
"Kasi po I'm the breadwinner in the family. Kapag sumasali ka po sa beauty contest, ang dami mong kailangang i-sacrifice. At unang-una sa lahat, isinakripisyo ko po ang trabaho ko during the competition. Kaya during the lockdown, wala talagang pumapasok na income," kuwento ni Rabiya.
Wala rin daw trabaho ang kanyang ina and at the same time, graduating pa ang kanyang kapatid.
Anyway, masayang ipinagdiwang ng Magandang Buhay ang 24th birthday ni Rabiya. Her actual birthday is on Saturday.
Palaging tumutok sa Magandang Buhay sa A2Z Channel 11, Kapamilya online, iWantvTFC at sa iba pang digital platforms ng ABS-CBN na as of this writing ay may 32M subscribers na sa YouTube.





Comments