top of page

Boyet, damay… SEN. BONG, ‘DI NA UBRA SA MOVIES, BALIK-TV

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2024
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 29, 2024



Showbiz News
Photo: Karen Davilla & SB19 / FB

Nagkita sa backstage ng 40th Star Awards for Movies sa Henry Lee Irwin Theater sina Christopher de Leon at Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr..


Nagulat si Sen. Bong nang banggitin namin na dapat pala ay magkakasama sila ni Christopher o Boyet sa gagawin niyang Alyas Pogi movie, na isasali niya dapat sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF). 


Naitsika na kasi sa amin ni Boyet ang pagkakaudlot ng movie niya na gagawin with Sen. Bong habang naghihintay siya sa pagtanggap niya ng trophy bilang isa sa Dekada awardees.


Pero bago namin naitanong kay Sen. Bong ang movie nila ni Boyet ay muli siyang nagpasalamat sa ilang PMPC former presidents and officers na nakaupo sa backstage para sa Darling of the Press award na natanggap niya.


Bati ni Sen. Bong, “Alam n’yo, tinitingnan ko kayo du’n (sa stage) kanina, ‘Oh, my God. Ang bilis ng panahon, ‘di ba? Parang, lahat tayo lolo, lola na. Ay, hindi lahat. Ako, may tungkod na.”


Three months pa raw bago gumaling nang husto ang kanyang paa na inopera earlier this year.


“Three months pa,” sabi niya nang itanong namin kung hanggang kailan siya gagamit ng cane. “No, no. Actually, I can walk without ‘to. Pero nagsisiguro na ako kasi baka mamaya ano, madulas, eh,” dagdag niya.


Pagkatapos ay binanggit na namin kay Sen. Bong ang movie nila ni Boyet.

“Yes, magsasama kami,” pagkumpirma ni Sen. Bong. 


“Gagawa kami ng movie together, naputol lang. Pero ‘di bale, matutuloy pa rin.

“Idol ko ‘to. Karangalan ko’ng makasama s’ya sa pelikula,” sabay yakap ni Sen. Bong kay Boyet. 


Sey naman ni Boyet, “Same here, same here.”

Ini-reveal din ni Sen. Bong na nakapag-shooting na pala sila ni Boyet para sa Alyas Pogi.


Aniya, “Naputol, eh. Nag-shoot na nu’ng first day, nu’ng first day, du’n bumigay. Sabi ko, wow.

“Kaya na-stop s’ya. Isosorpresa ko nga sana kayong lahat, eh. Kasama ko si Boyet de Leon sa movie, wow!”


Sambit naman ni Boyet, “Tayo ang nasorpresa. Ako, nasorpresa. ‘Ha?! What happened to Bong?!’”

Ayaw daw talagang i-reveal ni Sen. Bong na makakasama niya sa movie si Boyet. 

“Hindi pa namin nasasabi. Bibiglain sana namin kayo na kasama ko ang aking idol,” diin niya. 

Next year na lang daw nila isasali sa MMFF ang Alyas Pogi, o ‘di kaya ay regular showing sa mga sinehan. 


For the meantime, habang nagpapagaling siya for three months ay magte-taping siya ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.


“Para hindi ganu’n kapuwersa na ano. Pero after the election na shooting, hard action, eh.

Matindi ang bakbakan namin sa Alyas Pogi,” tsika pa ni Sen. Bong.

First movie niya raw with  Christopher de Leon, kaya super-nanghihinayang si Sen. Bong Revilla na naudlot ang proyekto nila. 



UNLIKE other Pinays who made it big sa Amerika, feel na feel namin ang humility and authenticity ni Isabel Tique, na inilunsad sa kauna-unahan niyang pelikula na pinamagatang La Viuda.


Pagdating namin sa presscon ng La Viuda ay napaka-welcoming na niya sa lahat ng members of the media.


Bukod sa pagiging bida sa pelikula, si Isabel din ang producer ng latest movie ni Direk Neal “Buboy” Tan under her own company na MBella Film Productions.


Si Isabel ay isang Pinay-American movie actress at event producer. Isa rin siyang fashion muse, designer and philanthropist. 


And now, she’s an accomplished actress lalo pa’t isasali sa isang Canadian film festival ang kanyang La Viuda.


Mala-Cinderella story din ang buhay ni Isabel. Naikuwento niya sa presscon kung gaano kahirap ang buhay ng kanyang pamilya nu’ng bata pa siya. Hindi siya nahiyang ikuwento na dati siyang nangangalakal ng basura sa Kyusi. Siya kasi ang breadwinner sa pamilya simula nang yumao ang kanyang ama. 


Very vivid pa sa memory ni Isabel nu’ng namatay ang kanyang ama. Hindi raw siya umiyak that time dahil ang nasa isip niya ay kung paano bubuhayin ang kanyang ina at mga kapatid.


Sa ngayon ay vice-president siya ng Silicon Publishing, Inc. na isang digital software na naka-based sa San Francisco, California.


May apat na anak si Isabel and married to American-Jewish na si Max Dunn. Nagsimula ang kanyang journey bilang celebrity nu’ng maging fashion model siya. Isa siya sa mga fashion muse ng sikat na designer na si Oskar Peralta.


Under Oskar’s guidance, umangat ang career ni Isabel sa fashion world hanggang sa kanyang pag-aartista at sa paggawa niya ng La Viuda.


Ang La Viuda ay isang advocacy film na naglalayon na tulungan ang mga abused and battered women sa Pilipinas. Ang Ephesus Home for the Abused Foundation ang napiling main beneficiary ni Isabel.


Kasama rin sa pelikula sina Gino Ilustre, Malu Barry, Jet Alcantara, Myrna Castillo, Isadora at Julianne Fortich.


Nakasentro ang pelikula sa isang babaeng kasal sa isang matandang lalaki na ilang beses nang nabiyuda. 


Habang binubuksan ng pangunahing tauhan ang mga lihim, naging biktima siya ng matinding karahasan sa tahanan.


Sa kabila ng mga hamon, determinado siyang ipaglaban ang kanyang kalayaan at hustisya sa bawat pagkakataon. 


Aakayin ba siya ng kanyang katapangan sa pagtatagumpay o maiiwan siya sa wala?

‘Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page