top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Booster shot, hindi sapilitan pero kailangan

BULGAR
Jul 9, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 9, 2022


Binigyang-linaw ng Department of Health (DOH) na walang direktiba ang pamahalaan na gawing mandatory ang pagtanggap ng COVID-19 booster shot.


Kailangan lamang umanong mapataas ang antas ng pagbabakuna, lalo na ang pagbibigay ng booster doses sa bansa, gayung ayon sa mga eksperto ay bumababa na ang immunity ng populasyon.


Samantala, matapos ang usapan sa pulong kasama si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., magpapatuloy umano ang pagtatrabaho ang kagawaran, katuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno upang mapalakas at maipatupad ang mga estratehiya tungkol sa vaccination efforts sa buong bansa.


Gayundin, tiniyak ng DOH na magbibigay sila ng update kung sakaling magpatupad ng mga bagong polisiya ang bagong administrasyon para sa COVID-19 response ng bansa.

Nakita natin ang epekto ng bakuna — nabawasan ang severe cases, lumuwag ang mga pagamutan at bahagyang nakahinga ang mga health care workers. Gayundin, mas natutukan ang mga non-COVID cases.


Ngunit tulad ng iginigiit ng mga eksperto, bumababa na ang immunity ng bansa, kaya kung hindi na tataas ang bilang ng mga nagpapabakuna at magpapabaya ang publiko, malamang na tataas pa ang bilang ng hawahan.


Ayaw naman nating maulit ang nangyari noon na punuan ang mga pagamutan at ‘di na matugunan ang lahat ng pasyente.


Gayunman, batid nating ginagawa ng mga kinauukulan ang lahat upang mapataas pa ang bilang ng mga nagpapabakuna kontra COVID.


At bagama’t hindi mandatory ang booster shot, malaking tulong ito bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19, kaya patuloy na hinihikayat ng gobyerno at mga eksperto ang mga fully vaccinated na magpa-booster shot.


Hindi lamang ito para sa ikabubuti ng magpapabakuna kundi para sa lahat.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page