BOOBAY, AYAW UMASA KAY MARIAN KAYA TODO-KAYOD
ni MA. Consuelo Nolasco @Special Article | April 24, 2023

Matapos ang pinag-usapang health scare at pagha-hang ng komedyanteng si Boobay habang iniinterbyu ni Boy Abunda sa show niya sa GMA-7 na Fast Talk with Boy Abunda nu'ng Huwebes (April 20), kahapon (Linggo, April 23) ay nag-reunite na ang matalik na magkaibigang Boobay at Marian Rivera.
Ibinahagi ng Primetime Queen sa kanyang Instagram Story ang larawan nilang dalawa at may caption pa ito na, "Always here for you, my loves!"
Matatandaan na noong taong 2016 ay nagkaroon ng health emergency ang komedyante at ang matalik na kaibigan niyang si Marian ang isa sa mga tumulong sa kanya upang mabayaran ang mga medical expenses niya sa ospital.
Sa mga interviews, palaging sinasabi ni Boobay na sobrang grateful siya sa kaibigang aktres, sapagkat kung wala raw ito ay malamang wala na rin siya ngayon.
Sey pa ng komedyante, utang daw niya ang kanyang buhay kay Marian. Kaya, sa tuwing natatanong si Boobay sa ginawang kabutihan ng kaibigang aktres sa kanya ay naiiyak ito.
Pero, as much as possible ay ayaw na raw sanang ipaalam pa ni Marian sa publiko ang ginawang pagtulong sa kaibigan.
Ginawa raw niya iyon dahil mahal niya si Boobay at hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya.
Marami nga ang nag-alala para kay Boobay nang bigla itong mag-hang at matulala sa programa ni Boy at isa na ru'n ang mag-asawang Marian at Dingdong Dantes.
Samantala, inulan naman ng samu't saring komento ang larawang ipinost ng Kapuso Primetime Queen kasama ang kaibigang si Boobay kahapon.
"Napaka-generous ni Marian! Ang sarap maging BFF!" ang komento ng isang netizen.
"Pero, uso rin ang magpahinga," ang sey naman ng isa pa.
"Puro work din kasi si Boobay, 'di na rin nakakapahinga nang tama. Hinay-hinay din sana," ang paalala naman ng isang commenter.
"Ayan! Tinarayan siguro ni Marian! Nagko-comedy bar pa kasi, eh. Si Marian din ang nagbayad ng bill niya before," ang ma-attitude namang komento ng isang netizen.
Sa kabilang banda, hindi rin natin masisisi kung bakit grabe na lang magtrabaho si Boobay.
Tiyak na gusto na rin nitong makaipon ng sariling pera para if ever man na may mangyari sa kanyang hindi maganda ay ready siyang harapin ang financial problem nang mag-isa.
Siguro ay nahihiya na rin si Boobay na lumapit at umasa kay Marian kahit na matalik niya itong kaibigan. Hindi rin kasi biro ang ginastos nito noong ma-stroke siya.
Bukod doon ay may sarili na nga rin itong pamilya at may dalawa pang anak. Ayaw na rin siguro ng komedyante na madagdagan pa ang kanyang utang na loob sa kaibigang aktres.





Comments