Bongga naman! VICE, FIRST PINOY NA MAY 15 M FOLLOWERS SA TWITTER
- BULGAR
- Aug 9, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 9, 2023

May panibagong record naman si Meme Vice Ganda dahil siya ang kauna-unahang pinoy na mayroong 15 milyong followers sa Twitter (na X na ngayon).
Sa opening ng It’s Showtime nu’ng Tuesday ay nagpasalamat si Vice sa mga followers and supporters niya na aniya’y patuloy na nagtitiwala sa kanya.
Fresh from a short vacay si Vice kasama si Ion after ngang pag-usapan ang cake-icing issue nila na nauwi sa pagpapatawag ng MTRCB.
“This is a positive blessing. Kulang po talaga ang pasasalamat dahil sa inyong patuloy na pagtitiwala,” bahagi pa ng pasasalamat ni Vice na numero uno na ngang Pinoy influencer sa Twitter o X.
And yes, he proudly shared it also to Ion na sa Rampanalo portion ng show ay tinawag niyang “My ION.”
Sa same portion din niya inulit ang salitang “unity,” kung saan naman niya na-mention ang mga names nina Isko Moreno, Joey de Leon, Tito Sotto at Vic Sotto.
Iba ka talaga, Meme!





Comments