Bongga, ka-level ni Willie!... IVANA, NAMIGAY NG RELIEF SA CAGAYAN SAKAY NG CHOPPER

Julie Bonifacio - @Winner | November 19, 2020

Inulan ng papuri si Ivana Alawi sa social media dahil sa pagbibigay niya ng tulong sa mga kababayaan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabela kahapon.
Personal pang umapir si Ivana sa mga nabanggit na lugar sakay ng chopper. Mag-isa siya at wala kaming napansing ibang kasamang celebrity si Ivana sa mga naglabasang post niya sa pagpunta roon.
Message ni Ivana sa kanyang Twitter account, "Repacked and distributed relief goods para sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses dito sa Cagayan and Isabela. Share the love."
Nag-viral ang tweet na 'to ni Ivana at ikinumpara pa sa ibang vloggers.
"Ito 'yung matatawag na influencer. Hindi katulad ng iba d'yan, puro Tiktok lang ang alam and feeling influencer."
"Ate Ivana, I'm so proud of you, you're so kind and helpful. You're such a good person... You're still my queen. Proud. Your fan here.... Good things about you is 'di ka selfish... Mana ka talaga sa nanay mo. You have a gold, good heart. Labyu. Stay safe always! God bless you everyday."
"Kaya love ko si Ivana kahit bago lang siya. Ang dami niya natulungan at wala kang maririnig sa kanyang batikos sa gobyerno, hindi tulad sa iba, daming batikos, wala namang maitulong. Batikos nang batikos lang sila para umingay ang name nila."
May nag-edit pa ng piktyur ni Ivana habang nakaupo sa gitna ng relief goods niya. Nilagyan siya ng pakpak at tinawag na 'angel.'
May netizen naman na nag-post ng piktyur niya at nilagyan ng caption na "Beauty with a heart."
Bukod sa mga biktima ng bagyo sa Cagayan, nakipagkita rin si Ivana sa gobernador nila na si Manuela Mamba.
"Thank you lodi, 'yan si Gov. Manuel Mamba... @ivanaalawi iba ka. God bless you more."
"We love you always @IvanaAlawi love ka ng taga-Cagayan kagaya ko. Ivana and Gov. Manuel Mamba."
Samantala, marami ang curious na malaman kung sino ang may-ari ng chopper na gamit ni Ivana when she arrived sa Cagayan at Isabela.
Sino kaya ang nagpahiram sa kanya? Hiram o baka naman may sarili na ring helicopter si Ivana ngayon?
Hindi naman kataka-taka lalo pa't nasa top three YouTuber sa bansa si Ivana with more than 8 million subscribers.
Siya at si Willie Revillame pa lang ang nakita namin na celebrities na nagpunta sa mga disaster areas sakay ng helicopter.





Comments