top of page

Bongga ka 'day! KATHRYN, PINAAARAL ANG MGA FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2024
  • 3 min read

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Oct. 29, 2024




Binalot ng saya at excitement ang Mindanao dahil sa mainit na pagtanggap ng mga fans kina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa movie nilang Hello, Love, Again (HLA)! 


Wagas ang energy ng mga tao — dumagsa, siksikan, at halos hindi mahulugan ng karayom sa KCC Mall of General Santos at KCC Mall of Koronadal. Kahapon nga ay trending ang KathDen fever dahil ang dami talagang humabol makita ang dalawa.

Ito na yata ang isa sa pinakabonggang pagbisita ni Kath sa Mindanao. 


Alam n’yo ba, first time in 10 years ulit siyang makitang live ng mga fans doon, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit nagwawala sa tuwa ang mga tao. Sobrang saya pa ng mga supporters ni Tisoy dahil kasama nilang nakita nang personal ang kanilang idolo at ang Box Office Queen na si Kathryn!


Pero ito, mga ateng, hindi lang ‘yan ang nakakaloka. Isang super touching moment ang naganap habang iniinterbyu ang KathDen sa stage. 

May isang fan sa audience na may bitbit na placard na may nakasulat: “Ate Kath! I’m 6 months preggy. Pwede pa-hug. If okay lang.” 


Nahuli ni Kath ang message ng fan, at girl, ang bilis ng response!


Medyo nawindang si Kath nang makita kung gaano karami ang tao at kung paano sumiksik si preggy fan sa gitna ng crowd. Kaya, pinaakyat niya ito backstage para safe at doon pinagbigyan ang request ng fan. Hindi lang hug ang nakuha ni ate girl, nakipag-selfie pa si Kath, nakipagkuwentuhan, at may pa-regalo pang bonus! Juice colored, sobrang generous!


Hindi na bago ang pagiging mabait ni Kath sa mga fans. Ilang beses na itong pinatunayan sa iba’t ibang pagkakataon. Palaging may effort si Kath na puntahan at pasayahin ang mga nag-aabang sa kanya. Kaya hindi kataka-taka kung bakit solid at diehard ang fandom niya.


At eto pa, mga sis, may mga tsika na marami raw siyang natutulungan na fans, pero hindi niya ito ipinagmamalaki. Kasama si Mommy Min, nag-aaral sila ng mga ways para makasuporta sa mga estudyanteng less fortunate pero matatalino. O, 'di ba, winner si Kath, hindi lang sa career kundi pati sa puso?


Kaya saludo ang mga netizens sa kanya. Hindi lang sa talento at ganda, kundi sa pagiging tunay na mabuti. Wala kang itatapon, lahat pasok sa banga! 


Sobrang pak na pak ang KathDen duo sa Mindanao, at siguradong excited na ang lahat sa upcoming film nila! Sino ba naman ang hindi magmamahal sa isang Kathryn Bernardo? 


Charot! Sino nga ba?



PAK na pak ang buhay ni Eduard Bañez, mga Mars! Mula Star Magic artist noong 2006 kasama sina Megan Young at Bela Padilla, umaariba ngayon si Bañez sa Los Angeles, USA. 


Dati siyang kilala sa pagho-host sa MTV Asia at pag-arte sa show na My Darling Aswang (MDA) with Vic Sotto. Pero ngayon, ibang klaseng laban ang hinaharap niya sa Amerika at todo-survive siya.


Noong 2015, piniling iwan ni Eduard ang local showbiz para sumama sa pamilya niya sa US at maghanap ng mas magagandang oportunidad. Kahit nagtatrabaho siya noon bilang cashier at sa Six Flags para lang mabuhay, hindi kailanman nawala ang passion niya sa entertainment. Ngayon, abala siya sa digital comedy series tungkol sa tropang magkakaibigan mula elementary hanggang college — at kinikilig ang mga fans sa pasabog niyang projects.


“Manila is still my home,” sey ni Eduard, kahit na naranasan niya ang kalungkutan ng immigrant life sa US. 


Pero, mga bakla, sey pa niya, “Music really saves me.” 


Sobrang connected pa rin siya sa OPM, at madalas niyang balik-balikan sina Gary Valenciano, Martin Nievera, at Regine Velasquez para maalala ang 'Pinas. At soon, ilalabas niya ang bago niyang kanta tungkol sa hirap ng mga Pinoy abroad. 


“They tried to beat me, but I am strong,” dagdag pa niya.

Bukod sa sariling music, bet na bet ni Eduard makipag-collab kina SB19, BGYO, at BINI.


At malay mo, madala rin niya sa Pilipinas sina Sia at Adele. May “K” na kasi siya, after working with Sia’s team noon. 


Sa dami ng mga dreams niya, naka-focus pa rin siya sa pagtulong sa Pilipinas, lalo na sa mga bata sa Tondo. 


“I invest blood, sweat, and tears,” sey niya, habang ipinapakita kung gaano siya kaseryoso sa passion niya.


Kahit mahirap ang buhay abroad, lalo na nu’ng height ng anti-Asian hate, lumalaban pa rin si Eduard kasama ang Filipino community. 


“Being successful is a process of determination,” paalala niya sa lahat ng nangangarap. 


At kahit nasa US, nami-miss na raw niya ang Pilipinas at excited siyang bumalik soon. Pero habang hinihintay iyon, isa lang ang sure — patuloy ang glow-up ni Eduard, at handa siyang ipakita sa mundo kung paano lumaban ang isang Pinoy dreamer.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page