Bong Go, may ICC 'secret warrant' na — Pulong
- BULGAR

- Jun 19
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 19, 2026

Photo: Congressman Paolo Pulong Duterte
Pinaniniwalaang may inilabas na ring ‘secret warrant’ ang International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Bong Go.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Davao City First District Rep. Pulong Duterte na nakatanggap siya ng impormasyon mula sa isang “highly reliable source” na nagsasabing naglabas na umano ang ICC ng warrant of arrest laban kay Go at sa dalawa pang dating opisyal ng pulisya.
Ang arrest warrant ay kaugnay pa rin ng pagiging co-perpetrator umano ni Go sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, nanindigan si Go na wala siyang nilabag na anumang batas at ipinauubaya na niya sa Diyos ang kanyang kapalaran, kasunod ng nasabing ulat.
“Ipinagpapasa-Diyos ko na lamang po ang lahat. Buong buhay ko, wala po akong nilabag na anumang batas ng tao o batas ng Diyos. Police matters have never been part of my mandate,” wika ni Go sa isang pahayag.
“I hope and pray na hindi mapupulitika ang issue hinggil sa sinasabing ICC warrant daw laban sa akin,” wika pa niya.
“Umasa po kayo na patuloy lang ako sa aking pagseserbisyo, dahil 'yan ang kailangan ngayon ng ating kapwa Pilipino. Hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay sa akin ng 27 milyong Pilipino,” dagdag ni Go.





Comments