top of page
Search
  • BULGAR

Bon Jovi nagpositibo sa COVID-19

ni Jasmin Joy Evangelista | November 1, 2021



Nagpositibo ang rock singer na si Bon Jovi sa COVID-19.


Dahil dito ay kinailangan niyang ikansela ang kanyang concert ilang oras bago ganapin sa Miami Beach.


Ayon sa kanyang publicist na si Kristen Foster, “Bon Jovi is fully vaccinated and feeling fine.”


Bago ang inaabangang concert ay isinailalim sa Covid testing ang mga taong parte nito at doon nga nagpositibo ang singer.


Nakaabang na umano ang mga manonood sa Loews South Beach para sa 'Runaway with JBJ' event - na magpi-feature sana ng acoustic storyteller performance, Q&A at photo-op sa 'Always' singer, at Halloween costume welcome party - bago na-inform ang mga ito na hindi makakapag-perform si Bon Jovi.


Hindi na rin nag-perform ang grupong makakasama sana nito.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page