Bolts nilikida ang Beermen sa Game 1 Final
- BULGAR

- Jun 6, 2024
- 2 min read
ni Clyde Mariano @Sports | June 6, 2024

Kinuryente ng Meralco Bolts si JuneMar Fajardo ng San Miguel Beermen para hindi ito makaporma mula sa umpisa pa lamang ng laro at padapain sa 93-86 sa PBA Philippine Cup Game 1 final kagabi na ikinatuwa ni coach Luigi Trillo sa Araneta Coliseum.
Umarangkada sa 79-75 ang Bolts nang dumale ng 3 si Bong Quinto sa huling 8 minuto ng 4th quarter. Lumayo pa sa 10 puntos ang lamang ng Bolts 85-81. Ganado pa si Chris Newsome sa 87-81. Kumamada ng tig-18 puntos sina Banchero at Newsome habang 15 puntos si Allein Maliksi. Pumangatlo si Marcio Lassiter sa 3 point shooter ng PBA kung saan una si Jimmy Alapag.
Pumasok ang 2nd half 51-44 na lamang ng Beermen. Dumikit sa 50-51 ang Bolts sa 2 ni Newsome. Lamang sa 53-57 ang Bolts sa pukol na 3 ni Bong Quinto. 64-all sa 3.51 na nalalabing minuto ng 3rd quarter, pero isinara ni Perez sa 72-70 ang peryodo.
Pagpasok sa 2nd quarter ay abante pa rin sa 24-21 ang Beermen sa patuloy na laro ni Don Trollano, naipatas pa ni Chris Banchero ng Bolts sa 28-28, inilayo pa ni Jeron Teng ng SMB sa 35-28 sa huling 6 na minuto. Pero nagawang idikit ni Cliff Hodge sa 37-42 ang iskor sa huling 3.15 minuto. Na-personal foul pa rito si CJ Perez dahil sa pagkakatuhod sa tiyan ni Hodge.
Bagamat lumamang sa 13-9 ang Beermen sa first quarter ay 3 ulit na binutata ni Brandon Bates ang tangkang basket ni Don Trollano.
Unang inanunsiyo ni PBA Commissioner Willie Marcial na pumayag na ang PBA board sa pino-propose niyang 'unlimited height ng players sa Commissioner's Cup sa second conference.








Comments