top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bolts, binigo sa 0-19 ang Bossing

BULGAR
Sep 19, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 19, 2021



Nauwi sa dikdikang laro ang Meralco Bolts dahil sa malaking bentaheng kalamangan sa unang tatlong quarter dahil dumikit ang iskor ng Blackwater Bossing ngunit kinapos sa 104-97 para patibayin ang second spot at pag-aasam sa twice-to-beat advantage papasok ng q'final round kahapon sa 46th PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.


Naglunsad ng paghahabol ang Bossing sa kalagitnaan ng 3rd canto para burahin ang 29-point lead ng Bolts sa second half, pero matatag ang kapit ng mga beteranong manlalaro na sina Allein Maliksi na kumana ng double-double na 21pts, sumegunda si Raymond Almazan sa 15 pts, gayundin ang tig-14pts nina Travis Jackson at Reynel Hugnatan.


“We’re looking for the No. 2 spot, pero ang main goal namin is makapunta ng finals at makapag-champion. Nagpapasalamat kami na patuloy kaming safe at sa aming mga pamilya. Nakuha namin yung misyon namin na makuha iyong first two games even without some of our team mates, kaya sigurado pagbalik nila mas magiging okay pa,” wika ni Maliksi.


Kahit pa man naging matindi ang determinasyon ng Bossing na agawin ang panalo sa Bolts ang importante umano kay head coach Norman Black ay nagpursige sila kahit wala ang main players na sina Chris Newsome, Cliff Hodge at 2020 Outstanding Rookie awardee Aaron Black.


“It seems to be we’re very focus in the 1st half, but they rally in the second half, but the important thing there is we get the win and we got two more games left and we need to get as many wins as possible,” paliwanag ni Black.


Tatapusin ng Bossing ang komperensya ng walang isang panalo sa 0-11 na nagawang makuha ang pinakamahabang losing streak record sa kasaysayan ng liga sa 0-19 sapul pa nu'ng Clark bubble nu'ng isang taon. Hinigitan nito ang naunang record ng Great Taste/Presto franchise na 0-18 nung 1980’s sa Invitational Conference at All-Filipino Conference. Nasayang ang tikas nina KG Canaleta, Mike Tolomia at Russel Escoto na pare-parehong rumehistro ng 15 pts. para sa mapait na rekord.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page