top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Biyudong manliligaw, mas oks sagutin kesa sa ex-live-in partner

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 13, 2020



Dear Maestro,

May ka-live in ako noon, kaya lang, nagkahiwalay kami at ngayon ay nakikipagbalikan siya, pero ayaw ko na sa kanya. Kasi ngayon, may masugid akong manliligaw at balak ko na siyang sagutin. Ang kaso, gusto ng dating ka-live in ko na magbalikan kami, pero ayaw ko na talaga sa kanya, ganundin ang mga anak namin. Noong kami pa, nananakit siya at nambubugbog, lalo na kapag nakainom at nalalasing. Ang manliligaw ko naman na gusto ko nang makasama ay isang biyudo na isinilang noong November 7, 1967 at boto naman sa kanya ang mga anak ko dahil matagal na namin siyang kilala at mabait talaga siya sa mga bata.

Sa palagay mo, Maestro, sino sa dalawang lalaking ito ang ka-compatible ko at sino sa kanilang dalawa ang makakasama ko habambuhay? December 12, 1973 ang birthday ng dating ka-live-in ko at July 2, 1974 naman ang birthday ko.


Umaasa,

Maria Lyn ng Burgos, Carrangalan, Nueva Ecija


Dear Maria Lyn,

Ayon sa birth date mong 2 at zodiac sign na Cancer, tunay ngang higit mong ka-compatible ang kasalukuyan mong manliligaw na isinilang noong November 7, 1967, na may zodiac sign na Scorpio kaysa sa dating live-in partner mo na may zodiac sign na Sagittarius.


Nangyari, sapagkat higit na tugma o suweto ang pagsasama ng Scorpio at Cancer na may iisang elementong tinataglay —ang elementong water o tubig kaysa sa Cancer at Sagittarius.


Ibig sabihin, Maria Lyn, kung boto ang iyong mga anak sa kasalukuyan mong manliligaw at nagkataong mahal mo rin siya at ang maganda pa nito ay compatible kayo sa Numero-Astrology na pag-aanalisa dahil ang birth date mong 2 ay compatible sa birth date na 7 ng biyudo mong manliligaw sa kasalukuyan, ay nagpapatunay na kung siya ang sasamahan mo kaysa sa dating live-in partner mo, tiyak ang magaganap.


Ngayon pa lang ay sinisiguro na ng iyong kapalaran na sa piling ng lalaking Scorpio, makasusumpong ka ng matagumpay na pag-aasawa hanggang ang nasabing pagsasama ay matuloy sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page