top of page
Search
  • BULGAR

Biyudong manliligaw, mas oks sagutin kesa balikan Ang ex-live in partner

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Pebrero 24, 2024



Dear Maestro,


May live-in partner ako noon, kaya lang nagkahiwalay kami at ngayon ay nakikipagbalikan siya. 


Samantala, mayroon din akong masugid na manliligaw at balak ko na siyang sagutin. Ang kaso, gusto ng dating ka-live in ko na magkabalikan kami, ayoko na talaga sa kanya, maski ang mga anak namin ay ayaw na rin sa kanya. 


Noong nagsasama pa kami, nananakit at nambubugbog siya, lalo na kapag nakakainom at nalalasing. Ang manliligaw ko naman na gusto ko nang makasama ay isang biyudo na isinilang noong November 16, 1970 at boto sa kanya ang mga anak ko dahil matagal na namin siyang kilala at mabait talaga siya sa mga bata.


Sa palagay mo, Maestro, sino sa dalawang lalaking ito ang ka-compatible ko? Sino rin sa kanilang dalawa ang makakasama ko habambuhay?


December 3, 1977 ang birthday ng dating ka-live-in ko habang July 11, 1982 naman ang birthday ko.



Umaasa,

Kai ng Poblacion, Noveleta, Cavite



Dear Kai,


Ayon sa birth date mong 11 o 2 (ang 11 ay 1+1=2) at zodiac sign na Cancer, tunay ngang higit mong ka-compatible ang kasalukuyan mong manliligaw na isinilang noong November 16, 1970, na may zodiac sign na Scorpio kesa sa dating live-in partner mo na may zodiac sign na Sagittarius.


Nangyaring ganu’n, sapagkat higit na tugma o suweto ang pagsasama ng Scorpio at Cancer dahil sila ay may iisang elementong tinataglay — ang elementong water o tubig kesa sa Cancer at Sagittarius.


Ibig sabihin, kung boto ang iyong mga anak sa kasalukuyan mong manliligaw, nagkataong mahal mo rin siya at ang maganda pa nito ay compatible kayo sa Numero-Astrology na pag-aanalisa dahil ang birth date mong 11 o 2 ay compatible sa birth date na 16 o 7  (ang 16 ay 1+6=7) ng biyudo mong manliligaw sa kasalukuyan, na kung siya ang sasamahan mo kesa sa dating live-in partner mo, tiyak ang magaganap. Ngayon pa lang ay sinisiguro na ng iyong kapalaran na sa piling ng lalaking Scorpio, makakasumpong ka ng matagumpay na pag-aasawa hanggang ang nasabing pagsasama ay mauwi sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page