Biyuda na makakapag-asawa ulit, sasaya sa bagong love life
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 9, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dolora ng Naic, Cavite.
Dear Maestra,
Biyuda na ako, pero napanaginipan ko na may asawa na ako at palagi kong inaawit ang team song namin sa tuwing magkasama kami. Gustong-gusto naman niya at nakikipag-duet pa siya sa akin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Dolora
Sa iyo, Dolora,
Kapag ang isang biyuda na tulad mo ay nanaginip na may asawa, ito ay nangangahulugan na malapit ka nang makapag-asawa. Magiging masaya kayo ng magiging asawa mo at yayaman kayo sa lalong madaling panahon.
Samantala, ang palagi mong inaawit ang team song n’yo tuwing magkasama kayo at nakikipag-duet siya ay nagpapahiwatig ng kaligayahan, kasaganaan at tagumpay sa buhay. Ang mister mo ay magiging mabait, mapagmahal at halos lahat ng pinapangarap mong ugali ng magiging kabiyak ng puso ay nasa kanya na lahat.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments