Bitbit ang pamilya, babu sa ‘Pinas… LARA, NAKA-GRADUATE NA SA CANADA
- BULGAR
- Jun 24
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 24, 2025
Photo: Lara Quigaman Alcaraz - IG
Hindi lang ganda ang meron si Miss International 2005 Lara Quigaman, dahil siya ang example ng beauty and brains.
Kamakailan lang ay nagtapos si Lara ng Early Childhood Education with distinction sa Vancouver, British Columbia, Canada.
Sa Instagram (IG) post ay ibinahagi ni Lara ang larawan ng kanyang pamilya kasama ang asawa niyang si Marco Alcaraz at ang kanilang 3 anak na sina Noah, Tobias at Moses.
Emosyonal na ibinahagi ni Lara ang kanilang mahirap ngunit makabuluhang journey sa paglipat sa Canada.
Ito ang kuwento ni Lara sa kanyang IG post:
“Our family has always prayed that God would lead us to a place where we could be closer to one another and to Him—wherever that may be, no matter how difficult the path. Today, as I attended my convocation ceremony, we also celebrate His goodness and faithfulness. I’m teary-eyed typing this, because today is the beautiful result of every sacrifice and challenge we’ve faced and overcome by His grace.
“Leaving behind our careers and the life we knew in the Philippines was not easy, but we chose to follow a dream that had been in our hearts long before our boys were born. God has not only answered that prayer. He has done far more than we could have imagined, and He continues to work in us and through us.
“We’re so thankful to God for carrying us through every step. All this is because of Him. To Him alone belongs all glory, honor, and praise. Thank You, Jesus!”
Samantala, binati naman ni Lara sa kanyang post ang bunso niyang anak na si Moses na nagtapos din ng kinder, na halos nagkasabay pa sila ng graduation.
Ito ang mensahe ni Lara kay Moses, “Congratulations, my bunso @mosesalcaraz (white emoji) off to Kindergarten in September.”
Congratulations, Lara and Moses.
SA social media post ni Donya Lolit Solis ay nagbahagi s’ya ng paghanga sa aktor at senador na si Bong Revilla, Jr. at may caption na: “Alam ko na sad si Bong Revilla sa naging resulta ng eleksyon. Pero dahil focus pa rin s’ya sa mga ginagawa n’yang mga projects na makakatulong sa lahat na puwedeng tulungan kaya alam n’ya na mahal pa rin s’ya ng tao.
“Hindi kailanman nagbago ang ugali ni Bong. Kung ano s’ya noon, s’ya pa rin ang tao na tutulong sa ‘yo ngayon.
“Isang araw lang ang eleksyon. Kung anuman ang resulta nito, hindi kahulugan na ito na ang desisyon ng lahat.
“Makikita nila kung anuman ang naging pagkakamali habang dumaraan ang araw at ginagawa na ang mga dapat gawin. Doon na nila makikita kung nagkamali o tama ang pinili nila.
“You can never put a good man down. Tiyak na in the end, makikita nila kung alin ang tama o mali. Tuloy-tuloy lang ang buhay kaya sana, talagang magawa ng mga elected officials ang mga dapat gawin.
“Ipagpatuloy ang pag-unlad ng ating bansa, palakasin pa lalo ang security, at laging handa ang gobyerno sa pagtulong sa tao.
“We love the Philippines, at proud Filipino kami. Kaya kahit ano pa mangyari, sa Pilipinas pa rin kami.”
Bongga!
Korek ka d’yan, Donya Lolit Solis, mahal pa rin ng mga tao si Sen. Bong Revilla.
BONGGANG-BONGGA ang 1st birthday party ng anak ni Maja Salvador na si Maria.
Nagbahagi si Maja sa kanyang Facebook (FB) page ng larawan ng 1st birthday celebration ng kanyang anak. Hands-on talaga siya sa pag-aasikaso mula sa pagpili ng pagkain at mga giveaways, at sinigurado rin ni Maja na hindi lang si Maria ang mag-e-enjoy sa birthday party niya, kundi lahat ng kids at mga adults.
Sabi ni Maja, “We wanted to make sure na hindi lang si Maria ang mag-enjoy sa birthday party n’ya, but lahat ng kids... and even adults.
“The hot air balloon set-up that Maria dreamed of! Happy birthday, Maria!”
Comments