Search
  • BULGAR

Birthday Panalo app, alamin at subukan!

ni Fely Ng - @Bulgarific | February 11, 2021




Hello, Bulgarians! Alam nating kapag ang pinag-usapan ay digital tool at platform, ito ay palaging maiuugnay sa kanilang serbisyo sa lahat ng gumagamit nito. Ang PCSO, sa pakikipagtulungan sa Minedomain, Inc. ay nakatakdang ilunsad ang “Birthday Panalo”, isang libre at easy-to-use na application na may nakakaaliw na laro na magbibigay-daan sa mga Pilipino na ipagdiwang ang mahahalagang petsa sa kanilang buhay, tulad ng mga anibersaryo at kaarawan, na may exciting cash prizes.


Ang Birthday Panalo app ay idinisenyo kasama ang mga Pilipino, binabanggit sa app ang nakaugat na kultura ng mga Pinoys sa paglalagay ng halaga sa paggunita ng mga espesyal na petsa.


Ibinahagi ni Seaver Choy, IT officer ng Minedomain Inc., “Birthday Panalo app was built with resilience and celebrations in mind. We made it fun and easy to bet but still overly secure, assuring users that the personal data and information they input within the app are protected according to industry standards.”


“We want the millennials to love this game so we went for what millennials want most -- ease of use. We only put in the necessary elements for users to be able to do what they need to do fast and immediately,” pahayag ni Choy.


“We focused on the user experience when we were developing by having iterating designs that had constant user feedback. Birthday Panalo has gone through multiple design changes based on different user feedback across different groups,” dagdag ni Choy.


Ang grupo na gumawa at nagdisenyo ng Birthday Panalo app ay koponan ng Pilipino na binubuo ng mga propesyunal mula sa nangungunang unibersidad ng bansa kabilang ang De La Salle University, Polytechnic University of the Philippines, at University of the East.


Sa loob ng app makikita ang mga idisenyo na nagpapahiwatig ng mga Pilipino, ang ‘Kapanalo’ o mga gumagamit ng app ay maaaring maglagay ng pusta sa isang kumbinasyon ng tatlong bahagi na binubuo ng buwan, araw at taon. Kung mapipili ang parehong kumbinasyon sa draw, maaaring manalo ng hanggang P100, 000.


Matapos ang pag-download ng app, maaaring mag-sign up gamit ang alinman sa mobile phone o email address na na-verify sa pamamagitan ng One Time Password (OTP) na ipapadala ng app. Kapag tapos na sa proseso ng pagpaparehistro, maaaring magpatuloy na lumahok sa mga draw sa halagang Php10 na maaaring bayaran sa pamamagitan ng mobile wallet tulad ng GCash at PayMaya. Ang mga nagwagi ng lucky date combinations ay aabisuhan sa pamamagitan ng Birthday Panalo app. Puwedeng i-claim ng kanilang mga premyo sa PCSO Main Branch, Mandaluyong City, o mai-credit sa kani-kanilang mga mobile wallet.


Ang Birthday Panalo app ay libre at malapit nang maging available, mag-download sa pamamagitan ng Google Play Store at Apple App Store. Maaari ring asahan ang Birthday Panalo sa mga piling outlet ng PCSO sa buong bansa sa mga susunod na buwan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.