Birth date ng taong kailangang makasama sa pagbebenta ng house and lot para...

Sure na kumita at yumaman
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 11, 2021
Dear Maestro,
Taong 2019 pa, may ibinebenta na akong house and lot na nakasanla sa isang financing company, at kung sakaling maibenta ko ito, malaking halaga ang makokomisyon ko, kaya lang, hindi ko pa rin naibebenta hanggang ngayon. September 17, 1969 ang birthday ko. Nais kong malaman kung maibebenta ko na ba ang house and lot na ito ngayong 2021?
Umaasa,
Anna ng Platero, Biñan, Laguna
Dear Anna,
Ayon sa zodiac sign mong Virgo at birth date na 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) na pinaghaharian ng elementong earth ang zodiac sign na Virgo at planetang Saturn naman ang birth date mong 8 kung saan ang 1969 ay Year of the Rooster, na isa sa mga susuwertehing animal sign ngayong Year of the Metal Ox, sobrang laki ng posibilidad na maibenta mo ang nasabing house and lot at tiyak na makakakomisyon ka ng malaking halaga.
At tulad ng nasabi na, pansinin mo rin na ang taong 2021 ay may sumatotal na 5 (dahil ang 2021 ay kinokompyut ng ganito: 20+21=41/ 4+1=5). Ang numerong 5 ay siya ring numero ng zodiac sign mong Virgo, na may ruling planet na Mercury, tulad ng nasabi na, ang numerong 5 na ito ang maghahari ngayong 2021, na siya ring numero ng zodiac sign mong Virgo. Kaya naman ngayong 2021, sa edad mong 52 pataas, susuwertehin ka, hindi lamang sa larangan ng pagbebenta at materyal na bagay kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
Dagdag pa rito, dahil ikaw ay may birth date na 17 o 8, ito ay nangangahulugan ding yayaman ka sa pamamagitan ng produktong lupa o kalakal, na nanggagaling sa lupa o may kaugnayan sa lupa. Ngunit matutupad lamang ito kung may makakapartner ka sa buhay o negosyo na isinilang sa mga petsang 5, 14 at 23.
Kaya dapat maghanap ka ng ganyang birth date, na kapareha o kasosyo mo o puwede ring sabihin na palagi mong kinakayag o isinasama sa iyong mga lakad. At makikita mong mas madali mong maibebenta ang nasabing house and lot at habang kasama, kapareha o kasosyo mo siya, tulad ng nasabi na, mas mabilis na uunlad ang iyong kabuhayan hanggang sa ikaw ay tuluyan nang yumaman.
Kaya simulan mo nang maghanap ng nasabing nilalang na may nabanggit na birth date at sa parte mo naman, palagi kang magsuot ng kulay na silver, berde, pula o dilaw. Kapag nagawa mo ‘yan, ngayong 2021, tulad ng nasabi na, sa edad mong 52 pataas, hindi lang ang ibinebenta mong house and lot ang madi-deal mo dahil maraming-marami pang mga biyaya ang darating sa iyong karanasan, hanggang sa umunlad nang umunlad ang inyong kabuhayan at sa bandang huli ay tuluy-tuloy at bonggang-bongga ka na ring yayaman.




Comments