top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Birth date na 5, dapat gamitin para lalong suwertehin

BULGAR
May 6, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 6 , 2022


Dear Maestro,


Sana ay magabayan n’yo ako sa aking masuwerteng araw at petsa. Dalawa kasi ang ginagamit kong birthday, ang August 31, 1975 at December 5, 1977. Alin sa dalawang birthday na ito ang dapat kong gamitin para suwertehin din ako?


Umaasa,

Jean ng Dalandanan, Valenzuela City


Dear Jean,


Kung August 31, 1975 ang gagamitin mong birthday, lumalabas na ikaw ay isang Virgo na may birth date na 4 (ang 31 ay 3+1=4) at destiny number na 7. Naging 7 ang destiny number mo, dahil ang August 31, 1975 ay 8+31+1975=2014/ 20+14=34/ 3+4=7.


Gayunman, kung December 5, 1977 ang gagamitin mong birthday, lumalabas na ikaw ay may zodiac sign na Sagittarius, sa birth date na 5 at destiny number na 5 rin. Dahil ang December 5, 1977 ay 12+5+1977= 1994/ 19+94=113/ 11+3=14/ 1+4=5.


Kaya kung sinasabi mong dalawa ang birth date mo, kapansin-pansin na napakaganda ng birthday na December 5, 1977 dahil bukod sa birth date na 5, ikaw din ang may destiny number na 5. Ibig sabihin, kapag ginagamit mo na ang nasabing birthday, mas madali mong mahihigop ang magandang kapalarang may kaugnayan sa pera.


Sa sandaling ginamit mo na ang naturang birthday, magiging mapalad ka sa kulay na pula, violet at asul, gayundin ang kulay na puti at silver. Bukod sa nasabing mga kulay, dapat ka ring magsuot ng silver na alahas na may mataas na kalidad. Kapag nakasuot ka ng silver na kuwintas, singsing, bracelet at hikaw, mas madali mong masasagap ang suwerte at magagandang kapalaran.


Mapalad ka naman mula sa ika-21 ng Marso hanggang ika-27 ng Abril, mula sa ika-21 ng Hulyo hanggang ika-27 ng Agosto, gayundin mula sa ika-21 ng Nobyembre hanggang ika-27 ng Disyembre, higit lalo sa mga araw ng Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes.


Sa sandaling ginamit mo na ang birthday na December 5, 1977 at palagi kang nagmamadali sa iyong pagkilos at pagpapasya, tiyak ang magaganap— maaari kang umunlad at yumaman sa tatlong paraan. Una, maaaring makapag-asawa ka ng mayaman. Pangalawa, maaring walang habas o walang tigil kang makapag-abroad.


Pangatlo, maaari kang yumaman dahil ikaw ay likas na suwerte sa pagnenegosyo.


Ang nasabing pagyaman at pag-unlad ng pamumuhay ay tinatayang magsisimula, ayon sa Decadens ng Kapalaran, sa taong 2027 at sa edad mong 50 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page