top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Binunot ang mga damong nakapaligid sa aanihing palay, pahiwatig na kikita ng malaki

BULGAR
Jun 29, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 29, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Nimfa ng Mindoro.


Dear Maestra,


Nakatira kaming mag-asawa sa bukid at ang tangi naming pinagkakakitaan ay ang pagtatanim ng palay. Napanaginipan ko na malapit nang anihin ang tanim naming palay, subalit andami palang damo na nakapaligid dito at ang hahaba pa. Binunot ko ang mga damo hanggang wala nang matira. Ano ang kahulugan ng aking panaginip?


Naghihintay,

Nimfa


Sa iyo, Nimfa,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na malapit nang anihin ang tanim n’yong palay ay kasaganaan at kaligayahan sa piling ng iyong mga mahal sa buhay.


Ang tungkol naman sa damo na binunot mo, tagumpay sa negosyo ang ipinahihiwatig nito. Maibebenta n’yo sa malaking halaga ang mga palay na aanihin n’yo. Ang sabi mo ay mahahaba ang mga damo na binubunot mo, ibig sabihin naman nito ay higit sa inaasahan ang kikitain n’yo sa pagbebenta ng nasabing palay.


Hanggang dito na lang. Maraming salamat sa pagsubaybay mo sa column ko at pagsangguni tungkol sa kahulugan ng panaginip mo. Nawa’y nagustuhan mo ang pag-aanalisa ko sa panaginip mo at huwag kang mag-atubiling sumangguni muli ng iyong panaginip sa darating na mga araw.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page