top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Binigyan ng almonds para magmukhang bata

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 25, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Nora ng South Cotabato.


Dear Maestra,


Isa akong teacher dito sa aming lugar at ngayon, online ang pagdaraos namin ng klase ng mga estudyante ko.


Napanaginipan ko na dahil sa dami ng gawain naming mga teacher ngayon, ang bilis kong tumanda at kahit 32-anyos lang ako, mukha akong ten years older sa edad ko.


May nagbigay sa akin ng almonds para bumata ako, tapos kinain ko agad ito at nasarapan ako sa lasa at napansin ko na bumabata nga ako. Mula noon, palagi na akong bumibili ng almonds at pinapapak ko araw-araw para magmukhang bata kaysa sa tunay kong edad. Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Nora


Sa iyo, Nora,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na mas matanda ka sa tunay mong edad ay pagpapaalala na huwag mong masyadong dibdibin ang mga problema mo sa kasalukuyan. Manatili kang matatag at masigla, nakangiti na parang isang bata na hindi gaanong nag-aalala sa buhay. Maging positibo ka rin sa iyong pananaw.


Ang mga problema ay pangkaraniwan na sa buhay ng tao, kaya tanggapin mo ito nang maluwag sa kalooban upang hindi ka agad tumanda.


Samantala, ang sabi mo ay may nagbigay sa iyo ng almonds para bumata ka kaysa tunay mong edad, ito ay nangangahulugan na maglalakbay ka sa isang malayong lugar at mag-a-abroad ka.


Kung na-enjoy mo ang lasa ng almond sa panaginip mo, ito ay nagpapahiwatig na magiging maganda at makabuluhan ang paglalakbay mo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page