top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bineybi ang mga smugglers, resulta sobrang taas ng presyo ng sibuyas

BULGAR
Dec 1, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 1, 2022


KAYA MATAAS ANG PRESYO NG SIBUYAS SA 'PINAS KASI BENIBEYBI NG CUSTOMS ANG MGA AGRI-SMUGGLERS—Base sa pag-aaral ng Global Product Prices, pinakamahal ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas sa buong mundo kasi ang per kilo ng sibuyas sa Pilipinas ay $6.63 (P381); sumunod na pinakamahal na presyo ay sa Puerto Rico na $4.70 (P266) per kilo at ang pinakamura ay sa Norway na $0.22 (P12) per kilo.


Isa lang naman dahilan kaya ubod ng taas ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas, benibeybi kasi ng mga "buwaya" sa Bureau of Customs (BOC) ang mga agri-smugglers na sina "Leah Cruz", "Michael Yang", "David Bangayan", "Paul Teves", "Manuel Tan", "Andrew Chang" at "Jun Diamante".


Ang diskarte ng mga agri-smugglers ay i-hoard ang mga ipinupuslit nilang sibuyas para tumaas ang presyo nito sa merkado.


◘◘◘


DAPAT SUNDIN NI P-BBM ANG PAYO NI SEN. IMEE NA DAKPIN AT IKULONG ANG MGA AGRI-SMUGGLERS—May paraan para bumalik sa dating murang presyo ang sibuyas sa 'Pinas.


Sundin lang ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang payo ng kanyang ate na si Sen. Imee Marcos na gamitan ng kamay na bakal ang mga agri-smugglers, na ibig sabihin ay utusan lang ng pangulo si Customs Commissioner Yogi Felimon Ruiz na dakpin at ikulong sina "Leah Cruz", "Michael Yang," "David Bangayan," "Paul Teves", "Manuel Tan", "Andrew Chang" at "Jun Diamante," tiyak na bababa ang presyo ng sibuyas sa 'Pinas.


◘◘◘


HINDI LANG 'PASTILLAS GANG' ANG NAMAMAYAGPAG SA IMMIGRATION, KUNDI PATI ANG MGA BIGTIME FIXERS NA SINA 'BETTY' AT 'ANA'—Hindi lang "Pastillas Gang" ang namamayagpag sa Bureau of Immigration, na ang raket ay mag-escort ng mga Chinese papasok at palabas ng Pilipinas, kundi pati ang operasyon ng mga bigtime fixers na sina alyas Betty at Anna.


Utusan lang din ni P-BBM si BI Commissioner Norman Tansingco na lansagin ang "Pastillas Gang" at dakpin sina "Betty" at "Ana" ay tiyak matitigil na ang mga raket sa immigration.


◘◘◘


LOTTENG AT STL-BOOKIES, NAMAMAYAGPAG SA JURISDICTION NINA MAYOR MARCY, GEN. ASUETA AT COL. BISAYAS—Tuloy pa rin ang raket na lotteng ni alyas Pinong at STL-bookies nina "Kit" at "Egay" sa Marikina City.


Tila "pakuya-kuyakoy" lang sa kanilang tanggapan sina Mayor Marcy Teodoro, EPD (Eastern Police District) Director, Brig. Gen. Wilson Asueta at Marikina Chief of Police Col. Gerson Bisayas, kaya may mga manraraket na namamayagpag sa kanilang jurisdiction.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page