Search
  • BULGAR

Binatang Taong Dos, lalakas ang personalidad sa 2022 at magkaka-GF

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 2, 2021



Dear Maestro,


Ako ay Taong Dos (2) dahil ako ay ipinanganak noong November 2, 1990. Ano ang ibig sabihin kapag ikaw ay Taong Dos at paano ka susuwertehin at magkakaroon ng isang maligaya at matagumpay na buhay? Wala pa rin akong girlfriend hanggang ngayon, kaya gusto ko ring malaman kung sinu-sino ang mga babaeng ka-compatible ko na dapat ligawan at mapangasawa upang ako ay magkaroon ng matagumpay at maligayang pamilya?


Nais ko ring malaman kung kailan ako magkaka-girlfriend at ano ang zodiac sign ng magiging first girlfriend ko?


Umaasa,

Kevin ng San Carlos, Lipa City, Batangas

Dear Kevin,


Ang zodiac sign mong Scorpio ay nagsasabing ka-compatible mo ang mga babaeng nagtataglay ng zodiac sign na Cancer, Pisces, Taurus at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20 at 29, gayundin silang nagtataglay ng strong number na 8, 17, 26, 1, 10, 19 at 28. Sila ang mga babaeng dapat mong ligawan at magandang mapangasawa upang magkaroon ka ng maligaya at matagumpay na pamilya.


Upang buong lakas mo namang mahigop ang magagandang kapalaran sa kabila ng katotohanang “weak number” o mahina ang numerong 2, dapat ka ring makisama sa mga taong nagtataglay ng strong number tulad ng nabanggit na sa itaas at sila ang mga taong may birth date o destiny number na 8, 17, 26, 9, 18, 27, 1, 10, 19 at 28. Ang mga taong nabanggit ang makatutulong sa iyo sa lahat ng aspeto ng buhay, lalo na kung palagi kang didikit at makikisama sa kanila. Habang ang mga taong may bitbit na numerong 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29 ay mga natural o kusang magiging kaibigan mo, magiging mahalagang bahagi ng iyong buhay at magiging shoulder to lean on kung saan sa panahong may mabigat kang problema, sila ang aagapay at tutulong sa iyo.


Ang pinakamapalad mo namang panahon ay mula sa ika-19 ng Enero hanggang sa ika-28 ng Pebrero, mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-28 ng Hulyo at mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-28 ng Nobyembre. Ang isa pa sa pinakamapalad mong panahon ay ang panahong nasa new moon, first quarter at full moon ang buwan sa langit.


Sa mga panahong nabanggit, kusang iigting ang mabuting kapalaran at sa mga panahon ding tinuran, magandang makipagsapalaran o lakarin ang mahahalagang plano at balakin sa buhay upang magkaroon ng positibong resulta at masigurado ang tagumpay.


Berde, pula at itim naman ang mapalad na kulay na dapat at palagi mong gamitin upang mas mabilis mong mahigop ang magagandang kapalaran. Habang ang batong topaz o kahit anong uri ng bato na nagtataglay ng kulay na pula o berde na ipalalamuti sa gold na singsing ay magsisilbi namang talisman upang hindi ka tablan ng mga negatibong pangyayari sa iyong buhay. Sa halip, ang nasabing hiyas ang magbibigay sa iyo ng dagdag na lakas ng loob at kakaibang suwerte habang ito ay patuloy mong isinusuot na nakadikit sa iyong balat.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, kusa namang lalakas ang natural na magnetismo ng iyong personalidad sa taong 2022, kaya sa eksaktong edad mong 32 pataas, walang sablay dahil sa nasabing panahon, magkaka-girlfriend ka na at habambuhay na magiging maligaya, hatid ng babaeng isinilang sa zodiac sign na Cancer.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.