top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Binatang suwerte sa pag-a-abroad at negosyo, yayaman nang yayaman

  • BULGAR
  • Sep 14, 2021
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 14, 2021





KATANUNGAN

  1. Limang taon na ako rito sa Singapore at balak ko nang mag-for good sa December at magtayo na lang ng negosyo r’yan sa Pilipinas. Ang binabalak kong negosyo ay grocery sa public market, aasenso ba ako sa negosyong ito?

  2. May ka-live in ako sa Pilipinas bago ako umalis, pero ngayon ay nagkakalabuan na kami habang may bagong babae naman akong nakilala rito sa Singapore at mag-M.U. na kami. Sa dalawang babaeng nabanggit, kanino ako susuwertehin kung sakaling isa sa kanila ang mapapangasawa ko?

  3. Ang birthday ng ka-live-in ko ay October 4, 1990, habang ang ka-M.U. ko ay May 14, 1993. October 17, 1988 naman ang birthday ko.

KASAGUTAN

  1. Obviously, kapwa mo ka-compatible o katugma ang dalawang babaeng binabanggit mo. Dahil ‘yung una na may birthday na October 4, 1990 ay kapareho mo ng zodiac sign kung saan, pareho kayong Libra. Samantala, sa Depth Astrology, ka-compatible mo rin si Ms. Taurus na may birthday na May 14, 1993, sapagkat ang Taurus at Libra ay may iisang planeta ito ay ang planetang Venus.

  2. Gayunman, kung salapi, negosyo at materyal na bagay ang itinatanong mo kung sino sa dalawang babae ang mas magbibigay sa iyo ng suwerte sa naturang larangan, walang alinlangang si May 14. Ito ay dahil ang Taurus ay may elementong lupa, habang ang 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) na birth date niya ay may planetang Mercury ay sadyang pinapalad sa pagnenegosyo.

  3. Hinggil naman sa guhit ng iyong palad, kapansin-pansin ang isang makapal at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung gugustuhin mo, anumang sandali o panahon mula ngayon, puwede kang magpabalik-balik sa abroad kahit hindi muna magnegosyo. Dahil sa edad mong 32, bata ka pa, ibig sabihin, magpakasawa ka muna sa abroad at mag-ipon nang mag-ipon bago tuluyang sumabak sa negosyo. Alalahanin ding dahil sa COVID-19 pandemic, anumang negosyong papasukan, maliban na lang sa gawaan ng alcohol, may kaugnayan sa gamot na pang-COVID, personal protective equipment (PPE), telecommunication at iba pang kalakal o produkto na may kaugnayan sa pandemya ang patok na negosyo ngayon.

  4. Gayunman, kung buo na ang loob mo na magnegosyo, puwede mo pa rin namang ipatupad ito, sapagkat may namataang malinaw at makapal na Business Line (Drawing A at B. N-N arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, anuman ang piliin mo sa dalawang option na inilahad— magnegosyo o patuloy na mag-abroad— wala namang problema dahil nakatakda na sa iyong Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.), malinaw din at makapal sa kaliwa at kanan mong palad, na sa panahong ito ng iyong edad ay tuloy-tuloy kang aasenso at uunlad.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tunay ngang bihira ang magandang guhit ng palad tulad ng sa iyo, Ryan, na may good looking Business Line (N-N arrow b.), Fate Line (F-F arrow c.) at Travel Line pa (t-t arrow a.), na nangangahulugang anuman ang larangang suungin mo sa buhay, tiyak na magtatagumpay ka, higit lalo sa aspetong materyal.

  2. Isa lang ang dapat mong gawin sa kasalukuyan. Sa panahong sagana, ‘wag mong kakalimutang mag-ipon at magsinop ng kabuhayan, mahalin mo ang salapi na magaan mong kinikita ngayon para mahalin ka rin naman nito upang tuloy-tuloy at makamit mo ang sobrang pagyaman na mararanasan mo sa edad na 41, 50 at 55. Ayon sa iyong mga datos, ang nasabing pagyaman ay nakatakdang mangyayari at magsisimulang magaganap sa taong ito ng 2021 sa edad mong 33 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page