top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Binatang feeling malas, susuwertehin at yayaman sa taong 2028

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 08, 2023



Dear Maestro, Matagal niyo na akong taga-subaybay. Ako ay isinilang noong November 3, 1990, at sa aking pagkakaalam ay kabilang ako sa mga tinatawag niyong “taong tres”. Gaya ng nasabi niyo sa taong tres, naranasan ko rin ang kapalaran na laging bigo sa pag-ibig magpahanggang ngayong 32-anyos na ako ay wala pa rin akong nagiging nobya, at parang malabo na rin akong makapag-asawa. Ano ba ang dapat kong gawin upang sumaya naman ang lovelife ko?

Samantala, noong kumuha ako ng birth certificate ang nakalagay do’n ay October 28, 1990. Alin ba sa dalawang birthday ko ang dapat kong gamitin? Iniisip ko kasing October 28, 1990 na lang kaya muna ang gamitin ko upang maiba naman ang aking kapalaran. Tama ba ang naiisip kong ito, Maestro?

Umaasa,

Bernard ng Dampalit, Malabon City

Dear Bernard,

Tama ang iyong ideya na ang October 28, 1990 ang dapat mong gamitin. Kapag ‘yan ang ginamit mo, tiyak na ikaw ay magiging isang bilyonaryo. Nangyari, dahil ang isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo ay isinilang sa nasabing petsang October 28, at ito ay walang iba kundi si Bill Gates.


Dagdag dito, ang ikinaganda ng birth date na 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1), ikaw ay magkakaroon ng guiding planet na Sun, kung saan, alam naman nating lahat na ang mga taong Sun o “taong uno” ay may malakas na karisma sa ka-opposite sex.


Ibig sabihin, kapag October 28, 1990 ang ginamit mong birthday simula sa araw na ito, bukod sa lalakas ang iyong loob, tulad ng paulit-ulit na nasabi na maaari ka pang yumaman. Hindi lang basta yumaman, darating ang panahong sa edad mong 38 pataas, kusa kang magkakaroon ng maraming mga ari-arian. Tulad ng buntalang Araw, sa panahong ng kanyang katanghaliang tapat, ganap kang sisikat sa lipunang iyong ginagalawan.


Samantala, upang magtuluy-tuloy ang iyong suwerte sa larangan ng pag-ibig, sa sandaling October 28, 1990 na ang ginamit, dapat ang mga babaeng iyong liligawan ay sila pa rin namang ka-compatible ng zodiac sign mong Scorpio, tulad ng Cancer, Pisces, Taurus, Aries, Sagittarius at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang may birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 5, 14, at 23.


Sa piling ng mga babaeng nabanggit, tiyak ang magaganap habambuhay kang magiging maligaya, at sa pagsapit ng taong 2028 sa edad mong 38 pataas, walang duda na may masaya at maunlad ka ng pamilya. Lalago rin ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan kayong yumaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page