top of page
Heart Evangelista.jpg

Binatang feeling lonely, sa taong 2024 matatagpuan si Ms. Virgo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2023
  • 2 min read

Updated: Aug 6, 2023

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 6, 2023



Dear Maestro,


Naghiwalay kami ng girlfriend ko dahil natuklasan kong may mga ka-textmate siya bukod sa akin at friends din sila sa Facebook, pero sabi niya kaibigan niya lang daw ang nasabing mga lalaki.


Noong naghiwalay kami, naramdaman ko na hindi ko pala kayang mawala siya. Kaya ngayon balak kong makipagbati at makipagbalikan sa kanya. Itatanong ko lang sana Maestro, kung may pag-asa pa kayang mabuo ang aming relasyon kahit na hindi niya na sinasagot ang mga tawag at text ko? Binlock niya na rin ako sa mga social media account niya.


August 17, 2004 ang birthday ng ex-girlfriend ko habang May 3, 2000 naman ang birthday ko.

Umaasa,

Jerald ng San Roque, Samal, Bataan

Dear Jerald,


Hindi compatible ang zodiac sign mong Taurus sa zodiac sign na Leo ng girlfriend mo kaya malabo na magkabalikan pa kayong muli, kahit na ipagpilitan mo pa ang iyong sarili sa kanya.


Sapagkat, tulad ng nasabi na, “fling o panandaliang relasyon” lamang ang namamagitan sa zodiac sign na Taurus at Leo na tulad n’yo na nagkataon din ang birth date mong 3 ay hindi rin naman tugma o angkop sa birth date niyang 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) ng dating girlfriend mo.


Ibig sabihin, ang pag-aanalisang Astro-Numerology ang nagkumpirma na malabo o sadyang hindi na kayo magkakabalikan ng ex-gf mo at maaaring hindi talaga kayo ang itinakda para sa isa’t isa.


Mas makakabuting ibuhos o ibaling mo na lang ang iyong panahon at resources sa ibang babae.


Sa partikular, silang mga isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Libra, Scorpio at kapwa mo Taurus higit lalo silang may birth date na 6, 15, 24, 9, 18, 27, 3, 12, 21, at 30 - sa piling ng ganyang klaseng mga babae may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay na relasyon.


Upang lalo kang suwertehin sa susunod na panliligaw at pakikipagrelasyon, isuot mo lagi ang mapalad mong kulay na asul at pula. Sa nasabing kulay lalong magniningning ang iyong aura na hihigop ng mas marami pang magagandang kapalaran hindi lamang sa pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.


Habang ayon sa iyong Love Calendar, Jerald, kapag ganap mo nang pinalaya ang iyong sarili sa nakaraang pakikipagrelasyon sa ex mong may zodiac sign na Leo at nalimot mo na siya ng tuluyan, sa susunod na taong 2024 sa edad mong 24 pataas magkakaroon ka na ng bago at mas tapat na girlfriend na siyang panghabambuhay mong makakasama at magpapaligaya sa iyo, hatid ng isang babaeng nagtataglay ng zodiac sign na Virgo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page