Binash dahil todo-dakdak laban sa Manila Bay white sand…
- BULGAR

- Oct 10, 2020
- 3 min read
SIGAW NI ALESSANDRA: BAYARANG TROLL, NAGKAPERA DAHIL PINATULAN KO!
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 10, 2020

Nag-viral muli ang tweet ng aktres na si Alessandra de Rossi kahapon. May kinalaman ito sa kontrobersiyal na pekeng white sand sa Manila Bay.
Naging laman ng balita ang "white sand" dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila for the past couple of days.
"Hirap lumabas. It's exhausting for my sanity. Buti na lang nagbaon ako ng white sand for my mental health," tweet ni Alessandra.
Agad namang nag-post ng comment sa tweet ni Alessandra ang award-winning writer na si Jerry B. Gracio, "Padalhan kita ng vial with string, para p'wede mo ikwintas."
Reply ni Alessandra, "Puwede ba tayo mag-business? (five laughing emojis) Hahawakan mo lang when you're afraid and lonely and hungry and feeling abandoned! Add to CHAR-T!"
Mabilis namang nag-comment ang ibang Twitter followers ni Alex (palayaw niya) na maghanda na dahil tiyak na dadagsain siya ng mga bashers dahil sa tweet niya.
"Juskooo mag-ready ka na @msderossi aatake na naman sila sa 'yoooo, hahaha." Ang ilang netizens naman ay may mga nakakaaliw na comments sa tweet niya.
"Relaxing po ba 'yung white sand?? Need ko din for my anxiety."
"Hindi ba parang sand na rin ang sanity--so easy to leave? Lol."
Pero kakaiba naman ang napansin ng kilalang Kapuso journalist na si Howie Severino sa tweet ni Alessandra.
"Witty," comment ni Howie.
Say ng ibang netizens, "Nag-iisa ka, Madam! Hahaha!"
Heto pa, "Ayos ang banat! Love it... (five laughing with hearts emoji)"
Nilinaw naman ni Alessandra sa sumunod na tweet niya na 'wag seryosohin lalo pa't bigyan ng anumang political color ang kanyang naunang tweet.
"No! Let's not go there! Jokes are good for our mental health! (Purple Heart) Let's have some fun, we can't get sick!"
After her second tweet, nagsimula na si Alessandra na i-retweet ang comment ng basher niya.
"Ano kaya'ng ginawa ni Alex para sa Manila Bay?? Last time I checked, 'yung kakatira sa gobyerno does not clean the bay..... sige na, palpak na si white sand, pero the government keeps on finding ways. Ikaw? Finding ways to spread hate."
Hindi ito pinalampas ni Alessandra at ito ang kanyang sagot, "Spread hate? I (red heart) the project! Si Manila Bay mismo ang issue, kasi siya naman ang nagwa-wash-out ng sand at hindi tao, when it's for our mental health! Walang kinalaman mga tao dito! May Twitter ba si Manila Bay? Pakisabi 'wag naman during a pandemic. Be sensitive, waves. KALMA."
Dinagsa pa ng bira ng mga netizens si Alessandra hanggang sa na-feel niya na nagsimula na ring "pumasok sa eksena" ang mga trolls sa social media.
"Tips to trolls para kumita at ma-retweet. 'Wag kayo magbabanta, magmumura at magwi-wish ng masama. Be stupid and cute. Ako na bahala sa retweets n'yo. Bayanihan is real (red heart and okay hand sign)."
Isa pang ini-retweet ni Alessandra ang message na 'to from her bashers, "SAYANG KA. I LIKE U WHEN ACT (BEING A CELEBRITY). I DO NOT APPRECIATE YOU NU'NG NAGPAKATOTOO KA."
Idinaan naman sa biro ni Alex ang caption niya sa ini-retweet na mensahe.
"It says a lot about who you are and I feel sorry for your imagination. Life in plastic, it's fantastic! Imagination, life is your creation," na ang last two sentences ay halaw mula sa sikat na kantang I'm A Barbie Girl.
Tweet pa ni Alessandra, "Ayan. May natulungan na naman ako. Troll ayuda is a mood!"
Ibig sabihin ni Alex ay may kumita na naman na "bayarang" netizens dahil sa pagpatol niya.
"Medyo mahal na 'yung retweets. Tama na 'yun. Sabi na, eh, 'wag akong pinupuyat, pumapatol ako kahit manananggal 'pag 3 AM na (3 laughing emojis)."
Hanggang sa inabot na nga ng antok si Alessandra sa pagsagot sa mga bashers niya sa Twitter.
"Tulog na ako. Mahirap kausap 'yung perfect dahil napakahusay niya at the best, at lahat ng desisyon niya, tama! Inaantok tuloy ako...Perfection is boring," tweet pa ni Alex.
At sa huli, pati ang pag-aasawa ni Alessandra ay pinakialaman ng basher niya.
"Wuahahaha lahat na lang, napapansin and o kaya minsan mag-asawa ka na. Kelan ka mag-aasawa. Ang tanda mo na, oh."
Sagot naman ni Alessandra, "Eh 'yung... "mag-baby ka man lang" sure! Basta ikaw magpapaaral, ha!"
'Yun, oh.





Comments