top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Binanatan sa pambabastos daw kay Nora… MATET, TINAWAG NA WALANG SILBING AMPON

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2020
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 22, 2020




Proud mother si Lotlot de Leon dahil sa pagkapanalong Best Actress ng anak na si Janine Gutierrez sa katatapos lang na Famas Digital para sa pelikulang Babae at Baril.


Ipinost ni Lotlot ang ilang eksena sa nasabing pelikula at nilagyan ng caption na: “Anak, I am so proud of you! God is truly good! You deserve this anak for all the hard work! Mabait ang Diyos talaga!!! To my FAMAS BEST ACTRESS, CONGRATULATIONS ANAK!!! You make us proud!!!”


Nauna rito, nanalo ring Best Actress si Janine for the same movie sa Gawad Urian at sa QCinema International Film Festival. Dapat nga siyang ipagmalaki ni Lotlot dahil hindi lang maganda ang anak, mahusay ding aktres.


Speaking of Lotlot, patuloy silang bina-bash nina Matet de Leon at Ian de Leon ng ilang fans ng mom nilang si Nora Aunor dahil ang feeling ng ibang supporters ni Guy, hindi nila inirerespeto ang Superstar.


Kaya may post si Lotlot sa Instagram na “Nakakapagod na.”


Walang Noranians na makapag-comment dahil disable ang comment box ni Lotlot sa post niyang ito.


Pati kay Matet, grabe ang bashing sa kanya kung saan sinabihan siyang "walang silbing ampon". At ang pantapat nito after mag-comment ng “Ang babait talaga ng mga Noranians," ay nag-disable na rin ng comment box. Wala tuloy magawa ang mga gustong mag-comment.


Pero matitigil pansamantala ang pamba-bash sa magkakapatid na sina Lotlot, Matet at Ian dahil sa sagot ni Matet sa isang basher na “Kausap namin siya nu'ng isang araw, walang makakaalam kung ano'ng pinag-usapan namin. Icha-chat ko uli mamaya, wala uli makakaalam kung ano'ng pinag-usapan. Amin lang kasi ‘to at dahil ang daming alam-alaman na nakikialam, lalong nagugulo. Hindi kami ang naglabas nito sa publiko. Sumabog na lang kaya sumasagot na kami.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page