Binanatan dahil matapobre raw sa biktima ng baha na nagpapasaklolo... RESBAK NI ARNOLD: FAKE NEWS!
- BULGAR

- Nov 14, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 14, 2020

Na-bash sina Arnold Clavio at Ali Sotto dahil insensitive raw ang mga tanong sa na-interview sa radio show nila sa DZBB na taga-Provident Village, isa sa mga lugar sa Marikina na binaha.
Sinabihan daw nina Arnold at Ali ang kausap na hindi pa ba nadala sa Ondoy at bakit doon pa rin nakatira.
Ang banat kina Arnold at Ali, walang empathy at tinawag pang matapobre ang dalawa. May nag-comment pang dapat bigyan ng pera nina Arnold at Ali ang kausap para makabili ng bahay at makaalis na sa Provident Village sa Marikina.
Mabuti na lang at may nakapanood at nakarinig sa buong radio show nina Arnold at Ali at nilinaw na ang nakausap nila ay nabili na ang property kaya hindi basta maiiwan. Pinalagyan din daw ng caller ng third floor ang kanilang bahay sa pag-aakalang hindi aabutan ng tubig, pero tumaas nga ang baha at inabot pa rin ang third floor.
Payo ng netizen sa mga nang-bash kina Arnold at Ali, pakinggan muna ang buong interview bago manghusga at bago mag-tweet.
Sa Instagram page ni Arnold, in-upload ang part ng interview nila ni Ali sa taga-Marikina at ipinost din ang reaction ng netizen na nag-comment ng: “ANG LALA NILANG DALAWA! Non-verbatim: Hindi pa ba kayo nadala ng Ondoy? Bakit 'andiyan pa din kayo nakatira? POTAAAAA. TOTOO BA? Lumapit sa inyo for help, gaganyanin ninyo! Ang lala n'yo!”
Tinawag ni Arnold na "Fake News" ang reaction na ‘yun ng netizen at pakinggan daw muna ang actual interview bago manghusga.





Comments