Search
  • BULGAR

Bill Gates, Apple, Kanye West, etc., na-hack ang Twitter Account

ni Thea Janica Teh - | July 16, 2020




Na-hack ang Twitter account ng ilan sa mga kilalang personalidad tulad ni Joe Biden, Bill Gates, Elon Musk at Apple.


Nakita noong Miyerkules na pare-pareho ang inilabas na post tungkol sa cryptocurrency scam o paghingi ng donasyon gamit ang Bitcoin.


Ilan pa sa mga kilalang personalidad ay sina Kanye West, Jeff Bezos at Mike Bloomberg.

Ayon sa umano’y post ni Bill Gate, “Everyone is asking me to give back, and now is the time," na nagsasabing dodoblehin ang lahat ng bayad gamit ang Bitcoin address sa susunod na 30 minuto.


Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Twitter ang nasabing insidente.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.