top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bilang ng mga tambay, bumababa na

BULGAR
Sep 11, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | September 11, 2022


Patuloy sa pagbaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.


Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 5.2% ang unemployment rate o katumbas ng 2.6 milyong Pinoy na walang trabaho noong Hulyo nitong taon. Ang naturang bilang ay mas mababa sa 2.99 milyon sa nakaraang buwan o may 6% unemployment rate.


Base sa datos ng PSA, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong Hulyo ay mas mababa sa 5.7% o may 2.76 milyong jobless noong Abril 2022, gayundin sa 7.2% o 3.23 milyong walang trabaho noong Hulyo 2021.


Samantala, tumaas naman ang bilang ng underemployed noong Hulyo 2022 nang 13.8% o 6.54 milyong Pinoy, bagay na mas mataas sa 12.6% o 5.89 milyon noong Hunyo 2022.

Gayundin, tumaas ang employment rate sa 94.8% o 47.38 milyon sa parehong buwan, kung saan ito ay mas mataas sa 5.72 milyon noong Hulyo 2021.


Ang may pinakamataas umanong employment ay mula sa wholesale at retail trade ng motor vehicles at motorcycles, agriculture, accommodation at food activities, administrative at construction.


Bagama’t malaki pa rin ang bilang ng mga tambay sa bansa, magandang balita na may mga positibong pagbabago. Ibig sabihin lang nito, bahagya nang nakakabawi sa hanapbuhay ang iba, habang ang iba naman ay patuloy na naghahanap ng oportunidad.

Patunay din ito na kinakaya na nating makipagsabayan sa pandemya at isa pa, talagang nakakatulong ang mga job fair.


Pakiusap sa mga kinauukulan, sana’y sikapin n’yo pa na magkaroon ng mas maraming oportunidad dahil hangad nating mas marami pa tayong kababayan na magkaroon ng trabaho sa mga susunod na buwan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page