top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bilang ng mga namamatay na ina, bumaba na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | April 2, 2023


Bumababa na ang ratio ng maternal mortality o namamatay na ina sa bansa sa mga nakalipas na taon.


Ito ang naging pahayag ni Dr. Diego Danila Jr. ng Department of Health (DOH) Disease Prevention and Control Bureau, Child, Adolescent, and Maternal Health Division, kung

saan sinabi niyang sa buong mundo, ang maternal mortality ay bumababa na rin ang trend base sa datos na nakolekta ng World Health Organization (WHO), UNICEF, United Nations Population Fund, World Bank Group, at ang United Nations Population Division.


Binanggit ni Danila na nag-decline na rin ang ating maternal mortality ratio mula noong 2000 na nagsimula ng 161 na mataas. Pero kung makikita aniya, pre-pandemic 2016 hanggang 2017, naging 121.


Kung pagbabasehan naman ayon kay Danila, ang public survey system, taun-taon makikitang ang maternal mortality ratio sa ating bansa ay bumababa.


Ayon sa opisyal, medyo mabagal ang rate nang pagbaba nito at hindi ganu’n kabilis sa gusto at pinapangarap nating maabot, subalit masaya na rin at sapat na ito na may pagbabago dahil bumababa ito ng 2% kada taon. Pero giit niya, kailangan na pababain pa ito nang kaunti.


Paliwanag pa ng DOH official, naapektuhan din ang maternal health services o mga serbisyo para sa pangangalaga sa kalusugan ng mga ina noong panahon ng mga COVID-19 pandemic lockdowns.


Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2020, kabilang sa nangungunang dahilan ng mortality o pagkamatay ng mga buntis ay hypertensive disorders na may 31.1%, abnormalities of forces of labor na may 8.7%, puerperium infections na may 8.7%, postpartum hemorrhage na may 8.6%, iba pang maternal diseases na may 7.7%, maternal infectious at parasitic diseases na may 5.3%, obstetric embolism na may 3.9%, at ectopic pregnancy na may 3.6%.


Hinimok naman niya ang mga buntis na sumailalim sa regular health checkups at magpakonsulta sa kanilang mga doktor upang maiwasan ang mga naturang sakit.


Binigyang-diin din ni Dr. Faye Cagayan ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society ang kahalagahan ng prenatal checkups, dahil maipapaliwanag sa kanila ng mga healthcare workers ang pagdaraanang proseso ng pagbubuntis.


Good news ito sa lahat ng mga expectant mother dahil kaunti na lamang sa kanila ang mga nagreresulta sa pagkamatay habang sila ay nagdadalantao o matapos na nakapanganak.


Hindi madali at mahirap talaga ang magbuntis dahil siyam na buwang pagdadala ito sa sinapupunan ng magiging anak.


Tama ang kinauukulan na kinakailangan nila ng maayos na pangangalaga at mga checkup. Marahil, ang pagsunod sa payo ng mga doktor ang makapaglalayo sa kanila sa anumang panganib sa kanilang buhay.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page